Chapter Twelve: Fangirl
It's like I want you to look at me. But I turn my head every time you do.
~❤️~
QUIN
Matapos nang gabing 'yun, hindi ko na binanggit kela Hadley at Blair 'yung sinugod kami ni Keen ng isang grupo. Baka mag ratatatat nanaman 'yung bunganga ni Hadley at mag alala si Blair, ayoko naman na hindi na nila ako suportahan sa panliligaw 'ko sa napaka pabebe 'kong future boyfriend.
"Ano ba Quin nakakairita pagmumukha mo, tulala ka nanaman d'yan habang pinagmamasdan yang wallpaper mo sa laptop." Bulalas sa 'kin ni Hadley nang makapasok siya sa kwarto ko para humiram ng hikaw.
Sinamaan ko naman siya ng tingin pero nag make face lang siya.
"Napaka KJ mo talaga! Ang gwapo kaya ng boyfriend ko."
Tinignan ko ulit 'yung wallpaper ko na si Keen, nakakalaglag ng puso 'yung ngiti niya! Sana makita ko siya sa personal ng nakangiti. Tinaasan ako ni Hadley ng kilay at sinilip yung wallpaper ko.
"Fyi teh, walang kayo, wag kang feelingera. Saan mo ba kasi nakita yan?"
"Sa twitter account niya! Imagine mo may twitter siya. Ang cool diba? Mukha ngang luma na yung account kasi ang bata pa niya tignan sa iba niyang pictures, tapos yung nakangiti pa siya nag iisa lang kaya naman sinave ko na!"
Tinignan ko ulit 'yung wallpaper 'ko, ang cute niya at ang gwapo! Bakit ba kasi naging ganito na ugali niya ngayon? Gaano ba kasakit 'yung mga pinagdaanan niya?
Umalis na rin si Hadley sa kwarto ko at hinayaan lang ako mag stalk sa twitter ni Keen my labs.
I-tweet ko kaya siya? Rereplyan kaya niya 'ko? Nevermind, i-t-tweet ko na nga siya.
@keenvryx_ Hiii!
Kinikilig kilig pa 'ko habang sine-send 'yung tweet ko sakanya. Makalipas ng tatlong minuto, hindi pa rin siya nag-re-reply at hindi pa niya 'ko fina-follow back. Alam 'kong luma na 'yung account niya pero dapat replyan niya 'ko!
Sakto naman nakita 'kong kaka tweet lang ni Jude ng video niya na nag-p-piano siya, infairness ang dami niyang fangirls, nangingibabaw 'yung flood hearts nung Sigrid sa comments. Edi siya na ang chicks magnet.
Nag send ako ng direct message kay Jude para tanungin 'yung number ni Keen.
Jude!!! Pahingi number ni Keen.
Ilang sandali lang ay ni-reply-an na niya ito.
Yo Quin, wala kang number niya? Diba dapat ikaw pa nakakaalam nun?
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Teen FictionLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?