Fifty Eight

533 31 27
                                    

Chapter 58: Can I Be Him


~❤️~

QUIN

"Paano tayo makakapag simula kung wala si Keen? Ano bang nangyayari sa batang 'yon?" tanong ni sir Matt sa aming lahat habang tahimik kaming nakaupo at nakikinig sa sermon niya.

"Hindi niya sinasagot mga messages namin, sir. Tadtad na nga eh." Sabi ni Liam

"Sa palagay ko, nag LQ nanaman sila ni Quin." Sabi naman ni Jaze at tinignan ako sabay ngiti ng nakakaloko.

Sana nga simpleng LQ lang, pero hindi eh.

"Hindi kami LQ."

"Eh ano? 'Wag mong sabihing break na kayo?"

Nagulat ako sa sinabi ni Adira dahil hindi pa nila alam na wala na kami. Kalat na kalat na nga na sila na ni Shanin dahil sa relationship status nila sa facebook. Ano bang ginagawa ng mga 'to? Hindi ba sila nagbubukas ng facebook account nila?

Napangiti ako ng mapait dahil totoo naman talaga na wala na kami. Nanlaki yung mata nila Jaze at lumapit sa akin.

"Seryoso, break na kayo?"

Yumuko ako dahil ayokong makita 'yung expression ng mukha nila, kung naaawa ba sila sa akin. Ayoko makita.

"Guys." Narinig kong sabi ni Jude, nakita ko mula sa gilid ko na umiling siya kela Jaze kaya hindi na lang ulit sila nagtanong.

"Sorry, Quin."

Ngumiti ako bilang tugon. Buti na lang talaga nandito si Jude sa tabi ko, kun'di baka maiyak nanaman ako.


Nag-jamming sila at kumanta kanta habag naghihintay ng tawag mula sa Majestic Music Company na cumontact kay sir Matt, tatawag daw sila para papuntahin kami doon at para makilala na din kami. Sobrang excited pa ni sir Matt habang kinukwento sa amin 'yun, sobrang proud daw siya sa amin dahil ito na daw ang chance namin na sumikat at makilala ng marami.

"Anong bang ginagawa mo dito? Nag-e-enjoy ka nanaman panoorin ako." Sabi ni Jaze kay Adira. Inirapan naman siya nito.

"Duh? I'm here for Keen kaya wag kang feelingero, pero wala siya. Sayang."

"Sus may Quin na 'yun! Tigilan mo na kahibangan mo." Ganti ni Jaze sakanya.

"So? Masama bang humanga at makinig sa pagkanta niya?"

Nagsagutan lang ng nagsagutan si Adira at Jaze. Pansin ko rin na palagi na siya nandito sa music room at tumatambay lang. Minsan tahimik na nag-ce-cellphone pero madalas ay nagsusungit sa aming lahat. Itong si Jaze naman pinapatulan niya kaya nagsasagutan pa tuloy sila.

Naisip ko, hindi ba naiilang si Liam kasi nandito yung ex-girlfriend niya? Naka move on na ba talaga sila sa isa't isa? Hindi ko alam ang story nilang dalawa pero halata ko na hindi pa okay si Liam lalo na sa tuwing makikita niya si Adira. May feeling ako na apektado pa rin siya.

Ilang sandali ay tumunog ang cellphone ni sir Matt at agad naman niya 'yun sinagot, lahat kami sa music room ay napatahimik at halatang excited. Bakas sa mga mukha nila ang saya lalo na sila Liam. Alam ko naman na pangarap nila 'to. Mas lalo akong lumungkot dahil aalis na 'ko, hindi ako nababagay dito. Hindi naman ako mapupunta dito kun'di dahil kay Keen. Mahirap man pero kailangan kong umalis, kahit na napamahal na sa akin ang banda na 'to pati na rin ang kakulitan nilang lahat, hindi ko naman kakayanin kung araw araw kong makikita si Keen at si Shanin na sinusuportahan siya sa pagtugtog at pagkanta. Ayokong masaksihan yung hindi na ako yung babaeng kinakantahan niya at ginagawang inspirasyon sa paggawa ng kanta.

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon