Eight

734 49 4
                                    


Chapter Eight: Closer

They told me that to make him fall in love , I had to make him laugh. But every time he laughs, I'm the one who falls in love.


~❤️~

QUIN

"Nakakainis siya!"

Pinagbabato ko yung unan kong Rilakkuma at sumalampak sa kama ko habang sila Hads at Blair ay pinapanood akong mag evolve sa loob ng kwarto ko.

"Napaka emotionless niya, ni hindi man lang ako cinompliment o ano man. Puro siya reklamo dinaig pa niya ang isang babae kung mag sungit! Ugh"

Binato ako ni Hadley ng unan at sumapol naman 'yun sa mukha ko.

"Gaga ka ba? Ikaw 'tong nag presintang liligawan mo siya, malamang siya ang magpapakipot. H'wag kang magreklamo kasi choice mo nga yan diba?"

Napasimangot naman ako sa sinabi niya, tama naman kasi siya.

"Ano, ayaw mo na ba?" tanong ni Blair sa akin

"Anong ayaw, gusto ko. Gustong gusto ko siya kaya hindi ako a-ayaw. Never!"

"Ayun naman pala, edi itigil mo yung kaka-murder sa unan mo at mag plano tayo kung ano ang sunod na gagawin mo."

Lumapit si Hadley kay Blair

"Anong tayo?" tanong niya

"Tutulungan nga natin manligaw si Quin" sagot naman ni Blair at tinignan nila 'kong dalawa, nagliwanag naman 'yung mukha ko.

Umupo silang dalawa sa kama 'ko at niyakap ko naman yung unan kong si Rilakkuma.


"Anong gagawin ko?" tanong ko sakanila

Nag isip naman silang dalawa at ilang sandali lang ay nagsalita si Hadley

"Alam ko na!" tinignan namin siya at handa ng makinig sa i-su-suggest niya "—tutal gusto niya ng sexy diba? Edi isagad mo na Quin, habang nag-sha-shower siya, o kaya after niyang mag shower malamang naka tapis siya, akitin mo na! Halayin mo! Sure ako mapapa oo mo yun habang umuu—A-Aray!"

Piningot siya ni Blair dahil sa mga pinagsasabe niya, masyado namang rated SPG yung suggestion ni Hadley.

"Ano ka ba Hads! Seryosong usapan kasi, at tsaka masyadong mahalay yang utak mo." Inirapan naman siya ni Blair at tinignan ko

"Pero may point ka Had— Ouch!"

"Isa ka pa!" hinila ni Blair ng saglit yung buhok ko, nagbibiro lang naman ako eh. Pero may lingerie ako sa drawer ko, so... Joke lang!

"Ganito na lang, gawin mo talaga yung parang nanliligaw. Ano ba ginagawa ng mga nanliligaw?"

"Uh—nagbibigay ng flowers?" sagot ko

"Yuck! bibigyan mo ng bouquet si Keen?" tinignan naman siya ng masama ni Blair, 'tong dalawang 'to parang nanay at tatay ko talaga.

"Effort! Duh guys? Kantahan mo siya Quin, diba banda kayo? Kailangan mong matuto maggitara, gawan mo rin siya ng kanta." Nginitian ako ni Blair matapos niyang sabihin yun

"Omg! Oo nga! Kailangan ko rin palang magpaturo maggitara, si Keen yung in-assign sa akin na magtuturo" pumalakpak pa ko habang sinasabi ko 'yun

"That's it! Mas maganda kung private ka niyang tuturuan para walang istorbo, you know, like Adira. Mas maganda kung sa bahay nila"

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon