Chapter 24: Escort
"I'm not a good lover, I mess up, I start fights, I easily get jealous but I don't play, I give my all and I love deeply."
~ ❤️~
KEEN
"Nasaan ba 'yung dalawa? Limang kanta na lang kayo na yung susunod."
Sabi ni sir Matt sa amin, nasa mall kami ngayon dahil naimbitahan yung banda na mag perform kami sa nagaganap na event dito.
Lumapit si Blair sa amin at sinabing nag text si Quin sakaniya, on the way na daw siya.
Tss ano bang ginawa nun at na-late ng ganito? Baka mamaya nag ayos lang yun, hindi naman na niya kailangan mag ayos.
"Si Jude nasaan?" tanong ulit ni sir Matt. Umiling sila Jaze bilang tugon.
Napailing na lang din si sir Matt.
Nagsalita naman bigla si Hadley "Oo nga pala mag-e-eighteen na si Quin, may party daw sabi ng parents niya. Uunahan ko na si Quin na mag imbita." Sabi niya sa amin kaya mukhang nagpalakpakan yung mga tenga nila Jaze.
"Yun oh kainan! Prepared na prepared kami ni Liam at Cam d'yan!" sabi ni Jaze.
"Mag-da-dalaga na si Quin! Sino naman escort niya?" tanong nung Sigrid.
"Panigurado si Keen yan! Si Quin pa ba? Malamang pagdating nun lalapit agad 'yun kay Keen at sasabihin na siya ang magiging escort nito. Parang ganito.." umakto ng babae si Jaze at tinignan ako, naglakad pa siya ng kumekembot kembot papunta sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Keen! Ikaw ang escort ko sa debut ko ah! Bawal tumanggi hihi." Nag beautiful eyes pa siya kaya nagsitawanan silang lahat.
Mukhang gago 'tong si Jaze, ang sagwa.
Habang nagtatawanan sila, dumating si Kiel kasama si Shanin at nakipag kumustahan sakanilang lahat. Nilapitan naman ako ni Shanin.
"Hi Keen, kumusta ka na?" Tumabi siya sa akin kaya tinignan ko siya, nginitian niya ko pero nakatingin lang ako sakanya.
Wala na.
"Ayos lang." sagot ko sa tanong niya. Halatang nagulat pa siya dahil sa pagsagot ko. Matagal tagal rin bago kami nakapag usap, kahit na kausapin niya ko noon hindi ko siya sinasagot. Pero ngayon, okay na 'ko.
"Galingan mo mamaya ah, alam kong pangarap mo 'to." Ngumiti ako ng konti pero hindi ako nakatingin sakanya.
Pangarap ko magkabanda noon pa, pero hindi natuloy. Dapat noon pa ay may banda na ko pero gawa nung mga pangyayaring naganap sa buhay ko, nawalan ako ng gana.
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Teen FictionLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?