Twenty Five

698 40 44
                                    

Chapter 25: Shake Hands

"Sitting next to you doing absolutely nothing, means absolutely everything to me."


~❤️~

QUIN

"Akala ko naman si Keen magiging partner mo, Quin."

Sabi ni Jaze sa akin, samantalang sila Cameron at Liam ay iniintriga si Jude kung ano ang meron sa amin. Maski ako, hindi ko rin alam kung ano meron sa amin ni Jude, nakakalokang isipin, loka loka na nga ako maloloka pa ko lalo. Hays.

Hindi ko na nasagot yung tanong ni Jaze at hinanap na lang si Keen, pero hindi ko naman siya mahagilap.

Saan naman kaya nagpunta yung bebe Keen ko? 

Dahil sa sobrang busy nila mag asaran doon ay iniwanan ko sila at hinanap si Keen.

Kanina lang naman nandito siya, teka tawagan ko na lang siya!

Kinuha ko yung phone ko sa bag ko at hinanap yung pangalan niya.


Calling Keen loves ❤️❤️❤️

Ring lang ng ring yung phone niya, hindi niya sinasagot! Hala!

Naka-tatlong missed call na ko, para I love you. Pero ni isa wala siyang sinagot hanggang sa mag out of reach.

Pinatayan niya ko ng phone!

Nag-p-pms nanaman siya :(

"Hay naku! Pupuntahan na lang kita, kala mo ha!" para akong timang na kausap yung phone ko. Ganitong ganito ba talaga nagagawa ng kapangyarihan ng red string of fate?

Pumara ako ng jeep at nakipagsapalaran makipagsiksikan sa loob. Minsan sa buhay kailangan rin nating sumiksik kahit na alam nating mahihirapan tayo, kasi in the end, sure naman na may kapalit 'yun na maganda.

Para sa Kevin ng buhay ko 'to, aja!


~~~

Nasa tapat ako ng bahay ng bebe Keen ko, ang lagkit lagkit ko na kasi naman siksikan sa jeep! 

Tumungo ako sa pinto at kumatok. Ilang sandali lang ay bumukas 'yun at iniluwa ang future boyfriend kong nakasimangot at masama ang tingin sa akin.

"Hi Hon!" binati ko siya at nginitian ng malawak.

"Anong kailangan mo?" nakatingin lang siya sa akin at nakakunot ang noo, parang nung kailan lang pangit ngiti pa siya sa akin.

"Gusto lang kita makita, masama ba? Bigla ka kayang nawala kanina!" Sabi ko sakanya, pumasok naman ako sa loob at umupo sa sofa niya.

Sinundan naman niya ko ng tingin

"Seriously, bahay mo ba 'to? Makapasok ka naman."

Tinignan ko naman siya


"Ano pala yung sasabihin mo kanina Keen? Nung bago pa sumigaw si Jaze, may sasabihin ka 'nun diba?" Naalala ko kasi kanina matapos niya ko kumustahin kung ayos lang ba 'ko, parang may sasabihin pa siya 'nun, naudlot lang dahil kay Jaze!

Umiwas siya ng tingin at sumalampak sa kabilang sofa.

"Wala." Mariin niyang sagot.

"Eeee! Meron kaya! Dali na ano 'yun?" pangungulit ko pa rin sakanya.

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon