Fifty Three

497 32 30
                                    


Chapter 53: Break Up

"The heart was made to be broken

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"The heart was made to be broken." - Oscar Wilde


~❤️~

KEEN

Nagising ako sa ingay na narinig ko mula sa pagbagsak ng pinto. Pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga ko kahit na sobrang sakit pa rin ng mga pasang natamo ko.

Kumusta na kaya si Quin? Nasaan siya?

Naglakad ako patungo sa pinto at nang mabuksan ko yun ng konti, narinig ko kaagad yung boses ni Clave.

"Condolence, pre. Sorry sa nangyari kay tita."

Napatinag ako sa mga nairnig ko at kaagad binuksan ng diretso yung pinto. Lumingon silang dalawa sa akin at halata sa mukha ni Kiel na kakagaling niya lang sa iyak.

"Anong pinagsasabe mo, Clave?"

Hindi siya nakasagot at umiwas ng tingin. Lumapit ako sakanya at kinwelyuhan siya.

"Ano yung sinabi mo?" mariin kong tanong sakanya pero nagsalita si Kiel at tinabig yung kamay ko mula sa pagkaka-kwelyo kay Clave.

"Tumigil ka na kuya. Wala na si mama, kaya kung pwede lang tumigil ka muna sa mga ganyan mo."

Tinitigan ko lang siya at tinulak ng malakas.

Naglakad ako kung saan naroroon yung kwarto niya. Nang makarating ako doon, agad ko 'yon pinasok at naabutan kong nakahawak sa kamay niya yung ama ni Kiel habang umiiyak.

Lumakas yung kabog ng dibdib ko nang maglakad ako palapit sakanila. Tinignan ko yung mukha niya pero di ko kinaya at napatingin bigla sa kabilang kamay niya.

Kung tinanggap ko ba n'un yung kamay niya at hinawakan 'yun, ano kaya ang pakiramdam?

Hinawakan ko yung kamay niya at ramdam ko kung gaano ito kalamig.

Hindi totoo 'to.

"Pangalan mo ang huli niyang sinabi bago siya mamahinga, hijo." Sabi ng ama ni Kiel sa akin.

Tila tumigil yung oras ko at pati yung paghinga ko ay hindi ko na maramdaman. Binitawan ko yung kamay niya at tumalikod para maglakad paalis.

Hindi totoo 'to, hindi pwede. Bakit? Bakit kailangan mangyari pa 'to?

Kung kailan handa na 'kong magpatawad. Kung kailan ipapakilala ko na sakanya yung babaeng dahilan kung bakit naging ganito na 'ko ngayon. Bakit kailangan pang mangyari 'to?

Tangina wala na ba 'kong karapatan sumaya?


Nakasalubong ko sila Clave at tinawag pa 'ko pero hindi ko sila pinansin at dire diretsong lumabas ng hospital. Pinigilan pa 'ko ng gwardya pero hindi ako nagpatinag at sumakay sa motor ko.

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon