Forty Four

541 38 20
                                    


Chapter 44


This much I know is true, God blessed the broken road that lead me straight to you.

-Rascal Flatts


~❤️️~

QUIN

"Hintayin mo kami, Quin!"

Sigaw sa akin ni Blair pero dire-diretso lang ako sa pagpasok ng hospital. Kasama ko rin sila mommy at daddy dahil sila ang naghatid sa amin dito.

Sakto pagkapasok ko at bago pa man din ako magtanong sa counter, nakasalubong ko si Samuel kaya agad niya akong nilapitan.

"Quin!"

"Nasaan si Keen? Anong nangyari sakanya?"

Bago makasagot si Samuel ay nakasunod na sila Blair at Hads sa akin, kasama rin nila sila mommy at daddy.

"Nasa operating room siya ngayon, hindi ko rin alam yung buong kwento dahil tinawagan lang ako ni Clave. Sila ang magkasama kanina, may mga galos at pasa nga rin si Clave kaya malamang napaaway yung dalawang 'yon." Sabi ni Samuel sa akin.

"P-Pero bakit nasa operating room si Keen? A-Anong nangyari s-sakanya?" hinagod ni mommy yung likod ko kaya mas lalo kong hindi mapigilan na umiyak.

"Nasaksak siya." Ang kalmado niya, parang nag-ku-kwento lang siya ng nangyari sa isang palabas sa sinehan. Hindi ba dapat nagaalala siya dahil kaibigan niya yung dalawa?

Tumingin siya kay Blair at tinanguan ito

"Nasa room 1201 si Clave, kung gusto niyo siya na lang tanungin niyo."

Matapos niyang sabihin 'yon ay tumakbo ako papunta ng elevator. Sumunod naman sa akin sila Hadley.


Nang mahanap na namin yung room 1201, pumasok kami doon at nadatnan naming nandoon si Caleb kasama ang girlfriend niyang si Abby.

Lumingon si Clave sa gawi namin at para bang nagulat pa siya na makita niya kami.

"C-Clave, k-kumusta ka?" hindi ko alam kung paano ko itatanong kung ano yung nangyari, hindi naman ako insensitive at alam ko naman na damay din si Clave sa nangyari.

"Ayos lang naman ako, hindi ba dapat si Keen ang tinatanong mo? Alam ko naman na siya ang sadya mo dito."

Tinignan ko siya at kitang kita ko yung mga pasang natamo niya, naka benda rin yung kaliwang braso niya kaya hindi ko ito kinaya at tumingin sa ibaba.

Kung ganyan kalala ang natamo ni Clave, paano pa kaya si Keen na nasa OR ngayon? Aish! Ano ba kasing ginawa niya?

"A-Anong nangyari, Clave?" tanong ko sakanya. Sumagot naman siya agad.

"Nung mga nakaraang linggo kasi, magkakasama kami nila Keen at Samuel, tapos may grupo na nakasalubong namin sa daan. Naghahamon sila pero hindi naman namin pinansin, kaso may isa doon na sobrang angas kaya uminit yung ulo ni Keen. Kilala mo naman yun, mainitin ang ulo. Doon na nagsimulang magkagulo. Puro angas, mga lampa naman pala. Ni hindi kami nagalusan."

Ngumisi si Clave habang kinukwento 'yun, narinig ko naman na sarkastikong tumawa si Blair.

"Proud ka pa ha?" Sabi niya kay Clave. Tinignan siya ni Clave pero hind siya nito sinagot.

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon