Eleven

619 38 6
                                    


Chapter Eleven: Random Thoughts

The most confused we ever get is when we try to convince our heads of something our hearts know is a lie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The most confused we ever get is when we try to convince our heads of something our hearts know is a lie.

~❤️~  

KEEN

Hindi ako makatayo sa sobrang sakit ng katawan ko, hindi rin ako makalaban dahil sa mga suntok at tadyak na natamo ko. Tangina naman bakit nagkakaganito ako?

Tinignan ako ni Quin habang hawak hawak siya nung mga kasamahan nung gagong leader nila, nilapitan siya nito at hinawakan sa pisngi.

Tangina

"Gago ka—"

Tumayo ako para sugurin yung leader nila pero sinipa ako nung isa niyang kasamahan kaya tumumba ulit ako sa sahig, tangina kung nasa kondisyon ako babawian ko yung mga gagong 'to.

Ngumisi yung leader nila at tinignan si Quin, nilingon naman niya 'ko at halatang bakas sa mukha niya ang takot.

Tangina wala akong magawa.


"May taste ka naman pala sa mga babae, maganda 'yung girlfriend mo."

Ngumisi siya at tinignan ako, tangina niya. Gusto ko siyang pagsusuntukin.


Tumayo ako at agad agad siyang binawian ng isang malakas na suntok, tumumba naman siya pero sinikmuraan ako nung isa niyang kasama.

"Tama na!" Sumigaw si Quin at tumakbo papunta sa akin. "—wag niyo na siyang saktan, please."

Umiiyak siya habang hawak hawak yung kamay ko kaya nakaramdam ako ng inis. Naiinis ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko napaka wala 'kong kwenta.

Nagsi tawanan naman silang lahat kaya napakuyom ako ng kamay, hinigpitan naman ni Quin yung pagkakahawak sa kamay ko nang gawin 'ko yun.


"Kung yan ang gusto ng girlfriend mo, sige titigil muna kami, pero pagsabihan mo yang tarantadong boyfriend mo." Tinignan ko siya ng masama at ganun din ang tingin niya sa akin "—sa oras na galawin pa niya yung grupo ko, hindi ako magdadalawang isip na pati ikaw mapahamak."

Nginisian ko siya at halata sa mukha niya yung inis, ilang sandali lang ay umalis na rin sila at naiwan kami sa gitna ng kalsada habang umuulan ng malakas.


"Keen" tinawag niya 'ko pero hindi ko siya pinansin. Tangina ayoko ng ganitong pakiramdam, hindi dapat ako natakot kanina, tangina bakit ako nakaramdam ng takot?

"Keen halika na, umuwi na tayo sa bahay mo." Inaalalayan niya 'kong tumayo pero tinabig ko yung kamay niya.

"Kaya 'kong tumayo"

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon