EPILOGUE

931 35 22
                                    


EPILOGUE


After 2 years.


"Oh my god! Siya ba 'yun? Baka naman kamukha niya lang?"

"Hindi ko alam! Pero kamukhang kamukha niya! Naka-cap kasi tapos naka shades kaya hindi ko masyado maaninag ang mukha."

"Baka siya nga! May kasamang mga bodyguards eh. Omg!"

"Shet! Sana siya nga! Pero kung siya nga, bakit siya nandito sa isang concert ng local band natin?"

"Ay oo nga.. Sikat na sikat siya kaya hindi maaari. Baka hindi siya bes. Kahawig lang."


Rinig na rinig ko 'yung pag-uusap ng dalawang babae na nakasalubong ko pagkababa ko ng kotse. Sinadya kong mag suot ng walang makakakilala sa akin dahil ayoko gumawa ng eksena.

At isa pa, kakabalik ko lang dito sa Pilipinas dalawang araw ng makalipas. Walang nakakaalam nito kun'di ang Music Company na pinanggalingan ko at si..


"Shanin, long time no see!" She hugged me tight and gave me a peck on the cheek at saka ako nginitian.

"Na-miss kita!" sabi niya sa akin ng nakangiti.

"I missed you too." Hinawakan ko yung buhok niya at ginulo yung bangs niya, tinabig naman niya yung kamay ko at sinimangutan sabay ayos ng buhok niya.

"Ano ka ba! Alam mo bang tatlong oras ko 'tong kinulot? Tapos guguluhin mo lang." inirapan niya 'ko kaya natawa ako sa reaksyon niya. "—teka, sure ka bang papasok ka sa loob?" tanong niya sa akin.

"Yeah." I nod

"Edi sana ang pinabili mong ticket ay pang VIP na! Bakit gen ad lang? Sikat na sikat ka na sa Can—"

"Shh 'wag kang maingay Sha, I don't want to make a scene."

Ayokong malaman ng mga tao na nandito ako, baka mamaya magkagulo pa at masira yung concert nila. Two years ago nung mapunta ako sa Canada, nag-audition ako sa isang company. Luckily, I got in. I started to make songs, I work with other artist until I made a name of my own. I got fame at marami ng sumusuporta sa akin mapaiba man ang lahi at lenguahe. Kaya nga kinabahan ako kanina dahil akala ko makikilala ako nung dalawang babae.

Napasimangot si Shanin sa sinabi ko kaya nagtaka ako.

"Don't call me Sha! Parehong pareho talaga kayo ng kapatid mo." pagrereklamo niya.

"Nope, I'm handsomer." Pabiro kong sabi sakanya. Tinignan naman niya 'ko at tinaasan ng kilay. She is too cute, I can't help but smile because of her.

"Ewan ko sa'yo, Keen. Naku tara na nga! Bakit kasi late ka dumating, kanina pa sila kumakanta! Last song na ata nila 'to!"

Hinawakan ni Shanin yung kamay ko at nakisiksik sa maraming tao para maka-pwesto, sobrang ilag pa 'ko dahil ayoko talagang makilala nila ako. Inilabas ko sa bulsa yung face mask na dala ko at agad 'yon sinuot.



Nagsigawan lahat ng tao nang lumabas sila sa entablado. Isang taon na ng mag debut ang Euphemist pero nag top agad yung mga kanta nila at benta ang album. Kahit na nasa malayo ako, sinubaybayan ko sila. I listen to their songs, and it was all good. I know she can make it, I know they can make it.

Natuon ang atensyon ko nang makita ko siyang tumapat sa harap ng mic at ngumiti sa maraming tao.

Nag hi si Quin at nagsigawan naman ang lahat.

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon