Chapter 55
Sometimes, I look back and wonder if "us" really existed.
~❤️~
QUIN
Lumabas ako ng kwarto ko habang mugto ang mata kakaiyak, nilagpasan ko sila Blair at Hads at bumaba ng hagdanan para kumain.
Sinundan ako nila Blair at sinabayan ako sa pag kain. Tahimik kaming tatlo at ni isa walang kumikibo, hindi kagaya ng dati na mag aasaran kami at magtatawanan.
Simula nung hinatid ako ni Jude pauwi n'un, nagkulong lang ako sa loob ng kwarto ko. Siguro naikwento na ni Jude sakanilang dalawa yung nangyari.
Humigpit yung pagkakahawak ko sa kutsara, sumisikip nanaman yung dibdib ko. Kada maaalala ko yung nangyari hindi ko mapigilang maiyak. Ang dami daming tanong sa isip ko, bakit niya nagawa sa akin 'yun? Gan'un lang ba ang tingin niya sa akin, isang laruan? Hindi ba talaga niya 'ko minahal? Hindi ba niya na-appreciate 'yung mga effort ko sakanya?
Inilapag ko yung kutsara sa mesa at tumayo na. Nawalan na 'ko ng gana kumain. Kinuha ko yung bag ko at lumabas ng apartment namin para sumakay sa kotse ni Hadley. Hihintayin ko na lang sila dito.
Kinuha ko yung phone ko sa bag para makinig ng music, isinalpak ko sa magkabilang tenga ko yung earphones at nag shuffle ng kanta.
[What If by: Ashley Tisdale]
🎶 Don't speak, I can't believe this is here happening our situation isn't right. Get real, who you playing with? I never thought he'd be like this, you were supposed to be there by my side 🎶
Kung sinuswerte nga naman, itong kanta pa talaga ang mag-p-play? Nananadya ba 'to?
🎶 When you say that you want me I just don't believe it. You're always ready to give up whenever I turn around 🎶
Naalala ko nanaman yung mga oras na magkasama kami, yung tawa niya, yung ngiti niya. Kitang kita ko kung paano siya nagbago sa akin, okay naman kami eh. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla kaming nagkaganito. Sabi niya matagal na siyang naka move on kay Shanin pero bakit ganito?
🎶What if I said I loved you? Would you be the one to run to? Or would you watch me walk away without a fight. 🎶
"Teka Keen marumi na 'yan! Wag mo ng kainin yan, gagawa na lang ako ng bago."
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Fiksi RemajaLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?