Kunyari, may sense lahat ng sinasabi ko.
Tuwing may idea ako na gusto kong isulat pero hindi ko madugtungan, bigla akong nagpapanic. Kasi akala ko, tuloy-tuloy na 'yung pagsusulat ko. Kaya ang ginagawa ko, nagsusulat ako ng iba.
Madalas maikli lang. Para lang malabas 'yung gusto kong sabihin na hindi naman pwede do'n sa sinusulat ko. Madalas, hindi ko tinatapos/natatapos. Tatlo lang ang rason kung bakit:
1. Wala na rin akong maidugtong sa sinusulat ko.
2. May naisip na 'kong pandagdag sa original.
3. Tinatamad.
Katulad nito. Dapat, nagsusulat talaga ako e do'n sa nobela ko. Kaso, nawala 'yung rhythm ko bigla. Edi ito, nagsulat ako nito.
Hay.
Kunyari, may sense 'tong sinasabi ko. Kunyari, may sense 'yung mga susunod niyong mababasa. Kasi produkto lang sila ng makulit kong utak na puro walang sense ang iniisip.
YOU ARE READING
Drive-Thru
RandomTuwing wala akong masulat, madalas nagsusulat lang ako ng kung ano. Kadalasan walang kwenta. Madalas, hindi ko natatapos. Mabilis lang. | Title inspired from Fast Food Fiction.