Haunted

58 2 0
                                    

You were a constant visitor in my dreams.

Hindi naman Halloween, pero bakit palagi mong dinadalaw ang isip ko? Natatakot na 'ko. Seryoso. Kasi sinusubukan ko na tanggalin ka sa isipan ko pero iisa pa rin ang sigaw nito.

Palagi kitang napapaginipan. Ayoko na nga, e. Kasi maski sa lugar na hindi mo pwedeng mapuntahan, nagagawa mong mapasok. Ang galing mo rin, ano?

Pero sa bawat paggising at pagtulog, ikaw lang ang hinahanap ko. Hinahanap ng aking mga labi ang iyo; gustong makatagpo ang pares na para lang dito. Hinahanap ng mga brasong ito ang iyong katawan, gusto kang yakapin kesa sa isang malamig at walang buhay na unan. Hinahanap ng mga matang ito ang iyong mukha, gustong ikaw ang huling masilayan bago pumikit at ikaw ang unang bumungad pagkatapos idilat.

Pero mas matindi ka pa sa mga multo. Hindi ka nagparamdam. Bigla ka na lang nawala nang walang pasabi. Kailangan ko ba ng espiritista para lang mahanap ka? Kailangan ko ba ng Ouija board upang malaman ang lokasyon mo?

Natakot ka ba sa 'kin, aking mahal?

Pero ang gusto ko ay malimutan ka, dahil hindi kinaya ng pusong ito ang pagkawala mo. Tila tumigil ang pagtibok nito nang malaman na ikaw ay bigla na lang umalis. Nagugulumihanan. Naguguluhan. Ano ba talaga?

Bakit nga ba ang hirap mong kalimutan?

Bakit nga ba sa dinami-rami ng mga babae sa mundo ay ikaw pa, at iiwan mo rin pala ako. Bakit nga ba sa dinami-rami ng mga natitipuhan ay ikaw pa ang napili ng aking puso?

Hawak ko nang mahigpit ang isang singsing. Lumuhod ako sa iyong harapan at tinanong ka, "Aking mahal, pipiliin mo ba ako na makasama panghabang-buhay?"

Ngunit ang isinagot mo ay ang pagtakbo mo palayo, at simula noon ay nakikita na lamang kita sa aking nga bangungot.

Hanggang ngayon ay hawak ko pa rin ito at hinihintay ang iyong sagot na lumabas sa labi mo.

-

Kahapon ang Halloween, October 31.

Drive-ThruWhere stories live. Discover now