Ako si Pedro. Nakakasalamuha ko ang Panginoon.
Sabi Niya, dadalhin Niya kami sa isang paraiso kung saan makakamit namin ang totoong kaligayahan. Dadalhin Niya kami sa Langit. Maibabalik Niya ang mga namayapa na. Tama naman—nasilayan ko ang aking pamilya.
Sabi Niya, hindi Niya hahayaan na makuha kami ng mga Demonyo. Ipinangako Niyang puprotektahan kaming lahat sa mundong puno ng Demonyo. Hindi Niya hahayaan na hindi namin makakamit ang inaasam namin—ang Langit.
Ang kailangan lamang ay ang magtiwala sa Panginoon.
Ngunit, isa-isa na kaming ipinapatay ng mga Demonyo. Binalot ako ng takot. Agad akong lumapit sa Panginoon upang humingi ng tulong, kundi ikukulong rin nila ako sa Impyerno.
Napalunok ako ng laway nang iba ang gawin ng Panginoon.
"Handa ka na ba sa huli mong hantungan, Pedro?" tanong Niya bago iputok ang baril.
Ibang Panginoon pala ang aking sinasamba.
--
Note: My supposed-to-be entry for #PNYBattleLevelUp. Kaso, hindi ko pinasa kasi akala ko mali ang pagkakaintindi ko ng "connection of words" nung binasa ko ulit 'yung Mechanics at 'yung Entry ko. May konting regret kasi sayang :(
YOU ARE READING
Drive-Thru
De TodoTuwing wala akong masulat, madalas nagsusulat lang ako ng kung ano. Kadalasan walang kwenta. Madalas, hindi ko natatapos. Mabilis lang. | Title inspired from Fast Food Fiction.