#2. Sinong crush mo?
Maniwala ka man o hindi, wala akong sagot sa tanong na 'yan kahit meron naman.
For the lack of a better term, ang landi kasi ng definition ng crush ngayon e. Tipong 'pag sinabi mong crush mo 'yung isang tao, hala! Akala mo naman, patay na patay 'yung tao sa 'yo! 'Wag kang feelingera/feelingero, jusko po.
(This is applicable for girls, ata? Mamaya na 'yung case ko.)
Observation #1: Kunyari, sinabi ni Girlalu kay Friend #1 na crush niya si Boylalu. E si #1, tsismosa. So nalaman na ng lahat na crush niya si Boylalu. Ayun, tinutukso naman silang dalawa. And it is, as if, nag-eexpect sila na may mangyaring "something" sa kanilang dalawa. Eto naman si Boylalu, ke landi rin. Porket may nagkakacrush sa kaniya, poporma agad.
Observation #2: Sabihin na natin na hindi tsismosa si #1 at sa kanilang dalawa lang ni Girlalu ang sikreto. So eto naman si Girlalu, crush na crush nga si Boylalu. Tapos, biglang tumalandi si Boylalu at nakabingwit ng Shokoy este Babae! Syempre si Girlalu, emote emote naman. Cue in words like "move on na bes" "bes pinaasa ako" "bes yoko na magmahal" at kung anu-anong kadramahan.
Observation #3: Malandi si Girlalu kaya dikit naman siya nang dikit kay Boylalu. Ayun, lahat ng touches, may meaning. Nakasabit siya sa lahat ng sasabihin ni Crush na parang naghohomily. Afterwards... ewan. It's either lalandi rin si Boylalu at magiging sila (for a very short time) or hanggang friends lang talaga sila (YES! Ako lang ang natutuwa).
And many more. Hindi naman lahat ng 'yan, totoo. Siguro. Ata. Walang kasiguraduhan. Napansin ko lang 'yan sa mga tao ngayon. They take the word "crush" too deeply.
And girls, ang dami niyong crush. Ako, friends ko puro babae at minsan (weh?), naiirita na 'ko kapag sinabi nila na, "Uy! Pogi ni guy oh crush ko na si kuya" "omg he's a gentleman" "oh may gaaahd nagbabasketball si kuya super turn on" "ang galing niya maggitara hart hart" and the likes. Just, no.
Well, may kaniya-kaniya naman tayong interpretation ng word na "crush."
Ako naman kasi basta crush ko, crush ko lang. Para sa 'kin, hanggang doon lang dapat magstay 'yun. Hinahanggaan mo lang 'yung tao. No too deep romantic feelings attached. Parang natuturn on ka lang sa kaniya or something. Pwede rin na dahil nakikita mo na may 'possibility' kayong dalawa pero inaaccess mo muna kung lalalim pa 'yung nararamdaman mo.
'Yun ang meaning para sa 'kin.
Nung high school, naging crush ko ang isang babae for 2 years.
She's really beautiful--no, radiant. Ang ganda ng ngiti niya na tipong titingnan mo pa lang, napapangiti ka na rin. Masiyahin siya. Medyo tamad, pero alam niya ang gagawin most of the time para makapag-adjust. Athletic. Maingay. Ka-vibes ko.
Naging crush ko siya nang walang dahilan. Nakita ko lang siya one time at nasabi ko, "Wow, ang ganda niya. Crush ko na siya." And then it started. Mas lalong na-intensify kasi nasa loob kami ng isang tropa.
I was waiting for the feeling na magpapalalim pa lalo ng nararamdaman ko. The feeling strong enough para magkaroon ng lakas ng loob para ligawan siya. Para makasama siya. Kasi, doon dapat puno ang dala ko. Hindi ako puwedeng sumabak sa giyera nang walang bala. Iyon ang puhunan ko. Pagmamahal.
Naghintay ako ng 2 years. Wala. Nada.
Gusto ko. Gusto kong maramdaman 'yun kaso hindi ko naman kayang turuan ang sarili ko na mahalin ang babaeng 'yon. Mas nakuntento ako na palagi ko siyang nakakasama at isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan hanggang ngayon. Mas natuwa ako na kasama ko siya. She made it really clear that once a friend, always a friend. Walang magkaka-inlove-an.
And then I said, okay. Mas maganda pa nga 'yung ganitong set-up.
Call me cheesy but I still believe in true love, kahit na lalaki ako. Naniniwala ako na she's out there, waiting for me. Pero, two-way kasi 'yun e. Dapat, kumikilos din tayo. Paano kapag ikaw naghihintay, tapos ako rin pala? So walang gagalaw? Palitan niyo na si Rizal sa Luneta.
Naniniwala ako na makikita ko rin ang tamang babae.
(A side note: At this point while writing, nakatulog ako. As in. And nung nagising ako, which is now, lumipat ako at may tumabing pusa at nilalandi ako.)
Back to the question: sinong crush mo?
Akala ko nga, ngayong college, babalik na naman ako sa matagalang crush stage na aabot ng two years. Hopefully, wala pa naman. May tumagal ng three months. Tapos, cold stage dahil may ganap ako nung stage na 'yun so no crush. Ngayon, I have one.
Grabe, dinidisclose ko ang info na 'to.
Una, harmless lang naman. No biggie. Gusto mo lang siyang makita at natutuwa ka kapag nakita mo naman. Tipong ang sarap niyang titigan at pakinggan ang boses at tawa niya. Bigla kang nagkaroon ng inspiration para pumasok (half the reason; the other half kasi sayang bayad sa mga klase). Akala ko, 'yung feeling ko parang sa two years girl lang, kaso hindi.
It escalated. Quickly.
Nakakagulat nga e. Nung una, gusto ko lang siyang makasama. I said, "Why not talk to her? Anong mawawala?" hoping na magkaroon man lang kami ng pag-uusap. I needed new friends too. And then I took the leap, and talked to her.
We went out to dinner, very friendly lang. Pumunta ako sa dorm nila. And when I saw her standing there, waiting... parang nag-flash sa utak ko ang future. A future with her. Nakita ko 'yung sarili ko, hawak 'yung kamay niya habang naglalakad. Nakita ko 'yung sarili ko, eating ice cream with her (please, goals ko 'to. 'Wag pumatol). Nakita ko 'yung sarili ko kasama siya nang matagal.
Ako kasi, kung gusto mo 'yung babae at gusto mo siyang makarelasyon, dapat clear ka sa gusto mong destinasyon. Hindi ako 'yung tipo na "testing the water" lang. Alam mo na kung saan hahantong ang lahat. Hindi naman sa pinapangunahan mo ang future, pero isipin mo, maganda bang rason na naka-relasyon mo siya kasi "trip" mo lang? Hindi lang sapat na gusto mo ang isang tao.
Parang sa HIMYM. When Ted asks Robin back then, "Where do you see yourself in five years?" Iba 'yung sagot nilang dalawa. Ako, I see myself with her after 5 years (hopefully). Wala lang, share lang. Kunyari relevant.
Pero kung kayo na, syempre mag-iiba rin ang pag-iisip natin. Go with the flow. Wag pangunahan masyado ang susunod na kabanata.
Haaaaaaay. Pag-ibig nga naman. It drives me to write these. Ang haba na, 'no? I hope hindi nabore masyado. And I wrote this in three different timelines just because inaantok ako. "Cuddle" weather na kasi, e. Pero, wala akong ka-cuddle. Landi!
YOU ARE READING
Drive-Thru
RastgeleTuwing wala akong masulat, madalas nagsusulat lang ako ng kung ano. Kadalasan walang kwenta. Madalas, hindi ko natatapos. Mabilis lang. | Title inspired from Fast Food Fiction.