Para kay Ray, hindi naman ganoong masama na mag-isa lang siya ngayong Valentines.
Hindi naman niya masasabing masaya siya na mag-isa siya ngayon, pero hindi rin naman niya nararamdaman ang lungkot. Kumbaga, nasa gitna lang. Walang pinapanigan. Middle. He's not exactly happy nor sad at this special occasion. Chill lang siya.
But he started thinking, Ano na, 18 ka na Ray, at wala ka pa ring girlfriend.
Hindi naman siya nagmamadali. He's still waiting for the right girl to come in his life. Hindi pa kasi dumarating ang babaeng magpapabilis ng tibok ng puso niya, kung tama ang mga nababasa niya--ganoon daw kapag in love, maraming chechebureche, maraming pasikot-sikot, maraming mga salitang pwedeng sabihin kapag nandito ka sa stage na 'to pero hindi maipaliwanag nang maayos kung ano ang totoong nararamdaman.
Wala talaga e. Akala niya nga, pusong bato ang meron sa kaniya. O ang tinatawag nilang asexual. Nah. Hindi siya ganoon. Tumitigas pa rin naman si junior kay Ellen Adarna.
Kanina nga, kasama lang niya 'yung kaibigan niyang si Trisha. Friends lang talaga, swear. Sinamahan niya na mag-ikot sa kahabaan ng kalyeng puno ng mga tindahan at restawrant na puno rin ng mga couple na naglalandian. He even mocked them, "Mamaya, makakakita na naman tayo ng condom sa daan."
"Ew!" Lumayo si Trisha na parang may virus si Ray. "Pass muna. My virgin eyes, nose, lips!"
But, there was nothing in between them. Platonic lang talaga sila. Promise.
There was the physical attraction. Hindi maipagkakaila na biniyayaan ng Diyos si Trisha sa mukha at katawan. Plus, magaling itong manamit. Kaya, tuwing naglalakad si Trisha ay sinusundan siya ng tingin ng mga lalaki (at babae--baka inggit o may gusto rin dito. We never know). Pero, titingin naman agad sa katabi--siya. At inaakala ng lahat na may boyfriend si Trisha at madidisappoint.
"Bakit hindi naging kayo?" Parati nilang tinatanong.
"Akala talaga nila, kayo. Ang close niyo kasi. Tapos, kung makadikit kayo sa isa't isa para kayong mga linta!" sabi pa ng isang close friend nilang dalawa.
"Bagay kayo," sabi pa ng professor nila.
Pero, wala talaga e. Umuwi rin sila pagkatapos nilang kumain sa bagong bukas na restawrant. May offer kasi ngayong Valentines at sa opening nila. Maraming tao, oo, pero worth it naman kasi unli rice at ang sarap ng ulam. Parehas nilang kinukutya ang mga magkasintahang katabi nila ng table. Hindi naman sa masama sila. Para kay Ray, hindi niya maimagine na magiging ganoon siyang tao--sweet, maalaga, at nagmamahal.
Sweet kay Trisha? Check.
Maalaga kay Trisha? Check.
Nagmamahal kay Trisha? Isang malaking ekis.
Ray wasn't exactly alone this Valentines. Trisha was there. Wala naman sigurong meaning ang lahat ng ginawa nila?
Wala naman siguro. Para sa kaniya, wala.
Malay mo, meron pala kay Trisha.
Malay mo, wala.
Hindi alam ni Ray. At ito ang unang beses na inisip niya si Trisha tuwing gabi. At nasundan pa. At nasundan pa.
--
Wala akong masulat sa Reaction Paper. Help.
YOU ARE READING
Drive-Thru
RastgeleTuwing wala akong masulat, madalas nagsusulat lang ako ng kung ano. Kadalasan walang kwenta. Madalas, hindi ko natatapos. Mabilis lang. | Title inspired from Fast Food Fiction.