Okay Lang

46 4 3
                                    


May kilala akong tao na parang umaagree sa lahat ng bagay. Tuwing tinatanong mo siya, ang palagi niyang sagot ay, "Hmmm, okay lang."


Q: Gutom ka na ba?

A: Hmm, okay lang naman.


Q: Anong stand mo sa Same Sex Marriage?

A: Hmm, okay lang. Di naman ako against e.

Q: Pero hindi ka rin agree?

A: Hmm, okay lang naman.


Q: (Ang walang kamatayang tanong) Kumusta ka?

A: (At ang walang kamatayang sagot) Hmm, okay lang.


Q: Are you okay?

A: Okay lang naman ako.


Q: Saan mo gusto kumain?

A: Okay lang ako kahit saan.

Q: Sige, doon tayo sa kalsada.

A: Okay lang, kung doon ang gusto mo, e.


Q: Are you sure you're okay?

A: Okay lang ako. Don't worry.


Q: Maganda ba songs ni Ed Sheeran?

A: Okay lang naman sa pandinig ko.

Q: E ni Justin Bieber?

A: Okay lang naman din.


Q: Sorry.

A: Hindi, okay lang ako, ano ka ba.

Q: Baka kasi nasaktan na pala kita.

A: Okay lang ako, promise.


Q: Gusto ko ng ice cream ng Ministop.

A: Okay lang sa 'kin na pumunta do'n.

Q: Really? Ang init-init kaya!

A: Okay lang, gusto mo naman 'yon, 'di ba?


Q: Ang hirap ng calculus!

A: Hmmm, okay lang naman.

Q: Noooo! Triggered!


Q: Bakit ba kasi ayaw mong aminin na nasasaktan na kita?

A: Hindi naman kasi talaga. Okay lang sa 'kin.

Q: Ayan ka na naman, Andrei.

A: Okay lang, ano ka ba. Kaya ko na 'to. At saka, doon ka naman sasaya, 'di ba?

Q: Paano ka?

A: Okay lang ako, promise.

Q: Inaalala lang naman kita. At mas lalo akong nag-aalala kapag ganyan ka.

A: No need for you to worry. Sige na, may naghihintay sa 'yo. Baka kung anong isipin sa 'tin.

Q: Friends lang naman tayo, 'di ba?

A: Okay lang naman sa 'kin.


Pero ang kaso, hindi naman kasi okay sa 'kin na ganoon siya. Na gano'n kami. Hindi ko alam do'n sa lalaking 'yun. Puro siya okay lang, aba masasapak ko talaga 'yung bwiset na 'yon! Kung 'di ko lang siya...


--

Bago ako mag-Calculus (huhuhu) at pagkatapos ko magsulat ng paper (huhuhu).

Drive-ThruWhere stories live. Discover now