Dear Diary

49 2 0
                                    


Dear Diary,

Matagal na rin kitang hindi sinusulatan. Nagseselos ka ba? 'Wag naman sana. Hindi porket naging kami ni Justin ay kakalimutan na kita. Palagi pa naman kitang kinukwentuhan tungkol sa kaniya. Ah, nakakamiss!

Sige, magkukwento ulit ako tungkol kay Justin.

Di ko alam kung saan ko sisimulan. Kasi naman, alam mo ang lahat noong nililigawan pa niya ako. Alam mo rin na mahal ko na siya nang matagal kaso hindi pa pupwedeng maging kami kasi hindi pa ko nag-i-eighteen. Alam mo naman kung gaano ako kasaya nung naging kami! Naroon ka, Diary, sa lahat ng iyon.

Masaya ka ba para sa 'kin? Sana nga. Kasi, mahal na mahal ko si Justin. Araw-araw akong masaya. Oo, nag-aaway kami pero nagkakaayos din naman. Wala na 'kong ibang bukambibig kundi siya at siya lang. Unang beses kong magmahal nang ganito, Diary. Ang sarap pala sa pakiramdam na may nagmamahal sa 'yo at alam mong sa 'yo lang siya.

Pero, sa sobrang pagmamahal ko kay Justin, may nagawa akong mali. Nakalimutan kita, Diary. Hindi na kita masyadong nalalapitan kasi parati kaming magkasama. Oo, nagkikita pa rin tayo, pero hindi kita pinapasama kasi alam kong ma-o-OP ka sa 'min. At ayokong iparamdam sa 'yo na third wheel ka. Alam kong masakit 'yon.

Naramdaman ko rin naman na umiiwas ka. Nilalapitan mo na lang ako tuwing may kailangan. Tuwing may kailangan sa acads, tuwing may requirement na mahirap, tuwing may exam. Lumalayo na ang loob natin sa isa't isa.

Ito ba ang kapalit ng pagmamahal ko kay Justin? Ayoko. Ayokong mawala ka. Gusto kitang lapitan kaso natatakot ako. Natatakot ako kasi hindi ko alam kung paano ka lalapitan. Hindi ko alam kung paano ka kakausapin. Paano pag hindi na tulad ng dati ang pagsasamahan natin?

Iniisip ko pa lang na mawala ka sa buhay ko, naiiyak na 'ko.

Katulad ngayon. Wala akong masabihan ng mga kwento ko. Hindi ko pa kinakausap si Justin tungkol sa nakita ko. Natatakot din ako, Diary. Sana, hindi tama ang hinala ko. Gustong-gusto kong manghingi ng payo sa 'yo pero magkalayo tayo.

Parehas akong natatakot sa mga nangyayari sa buhay ko. Nawala ka. Nawala si Josh. At ngayon, mag-isa ako. Na parang nasa gitna ako ng maraming tao at hindi ko alam kung saan ako patungo. Na alam kong may kasama ko pero kinain siya ng kumpol ng mga tao.

Pero, walang mangyayari kung matatakot lang ako habambuhay. Kakatimbang ko lang ngayon kung sino ang mas mahalaga. Mahal ko si Josh, pero mas pinahahalagahan ko ang pagsasama natin. Dahil ang kung anong meron sa ating dalawa ay walang kapantay ng maibibigay ng isang relasyon.

- Joana.

Drive-ThruWhere stories live. Discover now