An Eighteen-Year Old Fantasy

56 4 5
                                    

Conyo-speak ahead. Slight.

A romantic partner.

Well, it is about time to get one.

Hindi ko naman sinasabi na kailangan ko ng girlfriend or boyfriend or whatever. I still believe na kung nandyan na nga, e di go. Kung wala, e di wala.

At this point sa buhay ko, gusto ko ma-experience na maging committed sa isang tao at bagay. Writing? It's my lifelong dream... na parang sinasabi ng ilan na "calling." I think committed ako on achieving my dreams. Nagsusulat naman ako tulad nito. Walang kwenta, walang sense, pero nagsusulat ako.

(Thus, one of my favorite phrases of all time: Kunyari, may sense ang lahat.)

Bagay? Check. Tao? Not so much.

Napanood ko sa Umagang Kay Ganda doon sa isang segment nila kung paano raw magkakaroon ng lovelife. (Morning person ako. Nagigising ako ng alas-sais because of my body clock. Don't judge me.)

Hindi talaga ako nakinig na pagkatapos kong marinig na para raw magka-lovelife, palawakin ang social network.

Napaisip naman ako agad ng mga life choices ko.

Kakaunti lang naman kasi ang mga kaibigan ko, at puro mga babae pa na hanggang kaibigan lang. Let's just say na isa talaga akong loyal na kaibigan. Kung friends lang, friends lang. 'Wag na umangal.

Pero okay naman na 'ko sa mga kaibigan ko. Konti lang sila pero mapagkakatiwalaan ko naman (most of the time).

So that leaves the question why.

Hindi kasi ako boyfriend material.

(It may sound like a self-deprecating thought for now.)

Evaluation ko 'yan sa sarili ko. E totoo naman. Bakit ko pa ipagkakaila. Might as well accept that fact na hindi talaga ako 'yung tipo na maiin-love 'yung isang tao sa itsura at personality ko.

Mas swak ako bilang kaibigan. So ang tawag ko sa 'kin, Friend Material. Never the Boyfriend Material.

So what do I do? I accept it, then change. Kahit paunti-unti lang.

Hindi naman kasi ako pogi. Self-proclaimed lang na cute. Pero I try to improve on how I dress up. 'Yung mukha naman akong disenteng tao. Not sharp, not porma-ish. Wala akong pamporma na damit e. Wa datung. Kaya hanggang disente lang. Presentable.

Hindi rin naman kasi ako mahilig pumuri ng mga tao. Ayon sa mga nabasa ko (lol), mas maganda kasi na i-compliment mo palagi 'yung gusto mo. Tell him/her he/she looks good, or kahit anong synonyms ng beautiful o handsome. Kapag pumuri ako ng tao, totoo 'yun. I really mean it. And there's no way na mag-iiba ang tingin ko sa 'yo (at that moment). I guess I'm not trained to vocally express those praises.

Marami. Soooobrang dami kong qualities na kulang para maging boyfriend material. I'm not saying that I should change myself. Improve lang. A better version of myself.

So hanggang ngayon, hanggang isip lang muna ang pantasya kong magkaroon ng romantic partner. Habang wala pa, focus muna ako sa acads at pagtupad ng mga pangarap ko.

The lifelong question: Kailan?
At dagdag pa: Darating ba?
At isa pa: Magiging masaya ka ba sa kung anumang mangyari?

Kapag nagkarelasyon ako, hindi naman ako humihingi ng sobra-sobra. I learned a lot from a certain experience. Simple lang ako pasayahin.

Gusto ko, makikinig siya sa mga paborito kong mga kanta. Lalo na 'yung tatlong ultimate favorite songs ko: Airplane (f(x)), Time Spent Walking Through Memories (Nell), Someday (Nina, but I like Jessica's version). Tapos makikinig kami sa paborito kong albums. Nariring sa pinagtutuluyan namin 'yung mga kanta.

Kapag may mabagal na kanta, isasayaw ko siya. Ilalagay ko 'yung kamay ko sa beywang niya, tapos lalapit ako sa tenga niya para ibulong kung gaano ko siya kamahal. Ngingiti siya tapos hihilain ako para sa isang yakap.

Gusto ko, magkatabi kaming matulog. Ayoko na ng old-style na off-limits na magkahiwalay na matutulog. May tiwala naman ako sa sarili ko na walang mangyayari sa 'ming dalawa. Gusto ko lang na dumantay siya sa braso ko, tapos yayakapin niya 'ko nang mahigpit. Nakakangawit man sa 'kin, magigising naman ako na siya 'yung katabi ko. Bawi pa rin.

Kung hindi pa kami matutulog, titingnan ko lang siya sa mata niya. Tapos magkukwentuhan kami tungkol sa kung anong bagay na walang sense. O kikilitiin ko siya tapos tatawa kami nang sabay. O manonood kami ng movie hanggang sa makatulog. O kukwentuhan ko siya ng sinusulat ko. Basta sa huli, siya 'yung huli at una kong makikita.

Kapag trip ko, pasimple kong hahawakan 'yung kamay niya. Magjo-joke ako. Ngingiti kapag nandyan siya.

Papagalitan ko siya kapag hindi siya kumakain nang tama. Papagalitan niya 'ko kapag nalaman niyang sobra na naman ako kung magtipid na. Mag-aaway kami sa maliliit na bagay, pero dapat bago kami matulog maayos na.

Magrereklamo ako kapag magsho-shopping siya tapos sinama ako. Magrereklamo siya kapag masyado akong matagal sa banyo.

Papasan siya sa likod ko kapag pagod na siyang maglakad. Tapos magrereklamo ako na mabigat siya.

Tapos, gusto ko rin honest kami sa isa't isa. 'Yung mapagkakatiwalaan ko siya sa lahat ng mga sikreto ko. 'Yung hindi ako mahihiya na sabihing najejebs na 'ko. 'Yung hindi ako mahihiyang umiyak sa harap niya. At gano'n din sana siya sa 'kin.

Feeling ko tuloy ang dami kong hiling. 'Wag kang ma-pressure, future partner.

Ewan.

Gusto ko lang 'yung tao na mamahalin ko nang buong puso.

Maliliit na bagay lang 'yung gusto kong mangyari kasama siya. Hindi bongga. Hindi magastos. Pero kakainin nito 'yung oras ko.

Hindi naman masasayang lalo na kung nagmamahal.

Kung nandyan na siya, e di hello. Kung wala, e di wala pa.

(This is an odd request, pero if ever na binabasa mo 'to, share mo sa 'kin 'yung nga gusto mong mangyari kasama ng romantic partner mo. O kung nagawa mo na. Kahit anong paraan.

Pero syempre feeler lang ako rito. If ever lang naman.)

--

Nagpapahinga sa pagsusulat ng Mathilda Bruhilda. Kaka-30k ko lang, lagpas na sa wordcount limit. Hayaan mo na. Masaya ako sa mga nangyayari.

Drive-ThruWhere stories live. Discover now