VS Tadhana

84 1 1
                                    

If you expect that things will turn out just like in movies, then you're goddamn wrong.

Saan nga ba galing ang mga sinusulat ng mga manunulat sa isang pelikula? Galing sa personal na pangyayari. Totoo. Ang iba, sinalin mula sa mga kwento ng kaibigan, kakilala, o mga estranghero.

Hindi ko naman inaasahan na mangyayari rin sa 'kin ito.

Common sa mga palabas kung saan biglang nagkikita ang dalawang bida tapos magkakamustahan sila. Kumbaga, doon sila nagsisimula. Closure. Development.

Meron pa. Kinakausap ng bida ang Diyos o ang Tadhana tungkol sa gusto niyang babae/lalaki at hihilingin na makikita niya ito. Tapos, biglang titigil ang oras. Kapag nakita ng bida ang gusto niya, mapapatitig siya nang matagal. Ang kulang na lang, ang mag-usap sila.

Sa totoo lang, hinihintay ko na mangyari rin 'to sa 'kin. Ang iconic kasi. Parang kapag na-experience ko, baka biglang magkaroon ng kulay sa buhay ko. 'Yung background, magkakaroon ng iba't ibang kulay tapos may lumulutang pa na mga glitters. And then, makikita mo 'yung gusto mo na iba--biglang lumiliwanag 'yung mukha niya at kumakanta ang Langit.

Kinalaban ko si Tadhana ngayon. Sinabi ko, "Gusto ko siya makita, kahit sandali lang. Kaya kung nandoon siya sa pupuntahan ko, go. I challenge you."

Dapat, di ko 'yun ginawa. Nagsisisi na 'ko.

Because it fucking happened. It. Fucking. Happened.

Kakain sana ako doon sa almost favorite place ko kumain kasi medyo malapit sa dorm at masarap ang free soup nila. Although medyo pricey (medyo pricey for me is 40 pesos, I know. Medyo mura ang pagkain sa UP), basta doon na.

Nasa bungad pa lang ako, hindi ko naman ineexpect na nandoon siya. Basta gusto ko kumain do'n.

E nandoon siya. Kumakain. Tumatawa.

Shit.

Ang instinct ko kapag ganito, umaalis ako. Hindi ko kaya 'to. Hindi ko kinakaya. Hindi ko alam ang gagawin kaya nagpapanic ako. I need to regain my composure.

Pero, wala 'yung mga dinescribe ko. Wala 'yung colorful background, with glitters and all. Wala. Mas maganda 'yung naramdaman ko.

The fact na nandyan siya... that's what matters most for me. Walang katapat ang magandang setting sa magandang emosyon.

But, I stormed out.

Kinabahan agad ako. Hindi ko alam ang gagawin. Habang naglalakad palayo, nakangiti ako (while cursing). Ang pangit pa naman ng suot ko. Hindi pa ko naliligo! (Wag mag-judge! May sakit ako!)

Kaya ang ginawa ko, naglakad ako sa harap ng kainan. Crossed fingers, sana nakita niya 'ko. And then umikot ako at pumunta sa katabing tindahan para kumain kasi gutom na gutom na talaga ako.

Hindi ko na ulit siya nakita. Inaabangan ko talaga siya, pero baka sabi ni Tadhana, "You missed your chance."

Kakapanood ko pa lang ng isang documentary about regret and avoidance. Ang ginawa ko, nag-procrastinate. Delay of something needed to be done.

Kasi, may comfort zone kasi na ang sarap balikan. Na hindi ka masasaktan for now. Na nasa safe zone ka. Umalis ako kasi hindi ko kaya. Mas masarap nga naman tumakas, di ba? Kesa harapin ang problema?

Hindi naman ako nagregret. May something in between sa 'min kuno at kailangan namin ng space. (Ang drama, jusko!)

Hindi ako nagregret na sana, kinausap ko siya. Kasi hindi naman ako prepared. Mas okay na sa 'kin na nakita ko siya.

Buo na ang araw ko.

Lesson: Wag kalabanin si Tadhana. Baka bigla kang atakihin. Hindi mo alam ang mangyayari kaya 'wag mong pangunahan.

Hay, life.

--

10-20-2016. It just happened. While editing for contest. I'll make it a thing na magpost everyday (ata) pero para sure, for tomorrow 'to. :D

Drive-ThruWhere stories live. Discover now