2. LAKAD (kasama ang isang taong 'wag na nating pangalanan dahil nagdadala lang siya ng sakit sa puso)
Naglalakad ako noon. Lakad. Lakad. Lakad.
Ang alam ko, papunta ako noon sa Olivarez Plaza para pumunta sa Puregold na malapit doon. Parati kong nilalakad 'yon galing Dorm para lang bumili ng mga pagkain. Tapos, kahit na pabalik nilalakad ko rin. Kapag kinukwento ko 'to sa mga kaibigan ko, ang reaksyon nila parang natatakot na ewan. "Ang layo!"
Parati akong naka-earphones kaya syempre, suot ko 'yun habang naglalakad papunta roon. Mag-isa lang akong naglalakad. Nakakapagtaka nga na wala akong nakakasalubong na ibang tao. (Well, may konting perks din 'yun. At least, hindi ko na kailangang mag-hi sa mga kakilala ko.)
Hindi ko namalayan na may sumusunod na sa 'kin. Ang lakas naman kasi ng volume ng earphones ko na kahit tunog ng sasakyan, hindi ko na marinig. (Kaya nga nagtataka pa rin ang mga kaibigan ko kung papaano ako nakakasurvive tumawid nang ganoon. Ang secret: makisabay sa mga tao.)
Mabilis din siyang maglakad tulad ko. At, ilang saglit lang, nasabayan niya na ang paglalakad ko.
Hindi ko siya napansin no'ng una, kasi busy ako kumanta ng KPOP. Di ko naman alam 'yung lyrics, pero wala na kayong pakialam do'n. Balik sa kwento. Napansin ko siya nang nakatitig na siya sa 'kin nang kakaiba.
Tumigil ako sa paglalakad at ganoon din siya.
May kakaunting takot pa rin akong nararamdaman tuwing nakikita ko siya. Takot, dahil baka isang pagtama ng mga mata namin ay bumalik lahat ng memorya na pilit kong ibinabaon. Takot, dahil baka kung ano ang lumabas sa bibig niya na hindi ko magugustuhan. Takot, dahil hindi ko alam kung handa ba akong harapin siya at malaman ang mga sagot sa mga tanong ko dati pa.
Pero, naroon siya sa tabi ko at tinititigan ako.
May sinabi siya sa 'kin pero hindi ko matandaan. Basta ang natatandaan ko, hindi na pala ako papunta ng Puregold kundi sa bago niyang apartment.
(Eto ang choice of phrases na sasabihin niya:
1. Gusto ko nang makipagbalikan.
2. Gusto mo ng pagkain? Meron ako sa bagong apartment ko!
3. Tara walwal?
4. You want to... censored?)Lakad. Lakad. Lakad. Walang nagsasalita habang naglalakad. At, pagkatapos ng nakamamatay na silence, nakarating kami sa bago niyang apartment.
Nagulat nga ako kasi 'yung isa kong ka-dorm na palagi kong nakikita, nandoon nakahiga sa isang kama. May isa pang babae na natutulog naman sa mesa. Pinaupo niya 'ko sa kama niya. Ngumiti.
At, nag-usap kami. Nang matagal.
Iyon lang naman ang gusto ko, e. Ang maging ganito kami--magkaibigan. Walang kung anong feelings na involved. Walang mga problema, walang mga kailangang adjustments, wala. Tsaka, sayang din 'no. Kailangan ko ng mas maraming kaibigan.
Kaya, nang magising ako, nagtaka ako nang sobra kung bakit siya, sa lahat ng tao, ang napaginipan ko ulit. A, kasi mag-iisang taon na rin nang magkakilala kami.
Baka nga.
--
Ayun na nga. Medyo totoo, medyo hindi. You judge what's real or not.
YOU ARE READING
Drive-Thru
CasualeTuwing wala akong masulat, madalas nagsusulat lang ako ng kung ano. Kadalasan walang kwenta. Madalas, hindi ko natatapos. Mabilis lang. | Title inspired from Fast Food Fiction.