Adult Skills

80 6 4
                                    


By adult skills, you mean being good on bed? Just kidding!

So my friend sent me this and I don't know why. Siguro kasi akala niya, I'm on an emotional roller coaster. Or she wants me to improve. Or she really knows I love reading articles like these (oh, the beauty of discussion pages).

A Stanford dean on adult skills every 18-year old should have. External link!

So, I'm here to make excuses and defend myself from the article.

1. An 18-year old must be able to talk to strangers.

Easy shit. Joke! Kaya ko naman 'to in certain ways. Sabi nga nila, makapal daw ang mukha ko. E, hindi naman. Kasi kunyari, hindi ko kilala. Tapos bigla kong tatanungin, "May *insert bagay na kailangan ko* ka ba?" Tapos magugulat talaga sila.

E sa kailangan ko. Desperate times call for desperate measures.

And, I've been practicing. One time, naglakad ako around campus na walang cellphone, so nagtatanong ako sa mga tao kung anong oras na. Minsan, nagtatanong na rin ako kung anong nangyayari, basta gano'n. One time, may kinausap ako na matanda about directions, tapos sumegway pa siya! Ayun medyo nagkwentuhan kami.

Pero, natatakot pa rin ako. Um-order nga, may takot pa rin e.


2. An 18-year old must be able to find his/her way around.

I can ask for directions! At, may sense of direction naman ako kahit papaano.


3. An 18-year old must be able to manage his assignments, workloads, and deadlines.

Uh-oh. Sapul na sapul ako dito. Oo na, hindi na. No excuses.

Pero (oh, no), nag-iimprove na 'ko! Di na 'ko madalas mag-procrastinate. Marami kasi akong time sa schedule ko ngayon so 'yung iba, ginagawa ko na nang mas maaga. Tsaka, I watched videos, read articles about procrastinating so parang na-enlighten naman ako kahit papaano.


4. An 18-year old must be able to contribute to the running of a house hold.

Tamad man ako sa bahay, alam kong swak na swak ako rito. Pinalaki kami ng nanay namin na maalam sa gawaing-bahay. Kung kaya ko namang gawin, edi gagawin ko. May kakaunting sipag naman ako sa katawan.

At tsaka, kung tutunganga lang ako, might as well help running a house hold. Linis dito, linis doon.

(And I hate spoiled brats. More on that next time.)


5. An 18-year old must be able to handle interpersonal problems.

Guilty. Hindi ko pa 'to alam, honestly. I'm still stuck in my own shell. Kapag galit ako, ang tendency ko, tatahimik ako. Kasi alam ko naman, lilipas din 'tong nararamdaman ko e. Hindi naman 'yun constant.

Kinikimkim ko ang lahat kasi. Very unhealthy.

Tsaka minsan, dense ako. Super guilty.


6. An 18- year old must be able to cope with ups and downs.

Guilty. I don't like to talk about this, actually. I already talked about this in my stories. Di ko alam kung nandito, pero palagi kong sinusulat kapag down na down na talaga ako. Na malapit na sumuko. Kapag sinusulat ko, feeling ko nawawala e.


7. An 18-year old must be able to earn and manage money.

Earn, nah. Next sem, mag-aaply ako as Student Assistant. Pero, manage? Magaling ako dyan.

Siguro trait 'to na namana ko sa nanay ko. Mahilig akong mag-ipon bata pa lang. I bought my first cellphone using my pocket money na ilang taon kong pinag-ipunan. I bought my books galing sa ipon ko. (And kumpleto ko ang HP, PJO, HoO!)

Ngayong college, I'm trying to find my pace. Nagagalaw ko kasi 'yung ipon ko kapag kapos na kapos na 'ko. Pero at least,may ipon.


8.An 18-year old must be able to take risks.

I'm trying. Ngayong semester, I'm trying different things. So far, so good. Pero I still feel na may pumipigil sa 'kin, and I hope mawala na 'yun.


--

So bakit ko ba 'to sinulat? For nth-year old me.

As of 10-24-2016, 7:54 AM, this is 17-year old me. He talks a lot. He makes excuses all the time. He loves writing different things because most of the time, he doesn't have someone to talk to. He excels his academics (slight), and you'll probably wonder what happened to you at that time period. Wala rin siyang love life, and you have two choices on what to feel: either be happy for me because I'm enjoying the single life, or be sad because you are, too.

Ito na 'yung progress ni 17-year old. May eight months pa siya para matuto ng mga ganoong bagay, so no pressure!


Drive-ThruWhere stories live. Discover now