Finally, I was out of the cave. Isang linggo rin akong nagpakalayo sa mundo dahil kakabreak lang namin ng boyfriend ko. Hindi ko tiningnan ang social media accounts ko, or even opened my phone! Kausap ko lang noong linggong 'yun ay ang mga kaibigan ko.
I missed my social media accounts. So, heto naman ako, binuksan na.
Bumungad sa'kin ang pagmumukha ng ex ko, with his new profile picture. Agad na kumunot ang kakagawa ko lang na kilay. Akala ko tataas ang bagong kulot kong buhok nung makita ko ang picture niya.
Hindi ko naman siya binlock. Excuse me, hindi bitter ang ate niyo. Hinayaan ko siya sa buhay niya. After all, siya ang nawalan. He chose to leave this beauty here!
Tapos, ang caption niya pa, "Pure." Ay aba, pure? Ano, pa-virgin si kuya? Nakakaloka!
Naka-white lang siya na t-shirt ng org nila. He leans on a table and smiles like a total idiot. Nakita ko naman 'yung mga comments, "Ang pogi!" "Naks naman!" "Koya, pa-picture!" Dahil dakilang famewhore ang ex ko, ni-like niya lang lahat.
Syempre, 'di papatalo ang ate niyo. So nagpalit rin ako ng profile picture . I was wearing a flowery dress, posing to the camera like a model in Vogue. Syempre ang caption, "Purer than you."
Kabog! 500 likes agad. Beat that, jerk.
YOU ARE READING
Drive-Thru
RandomTuwing wala akong masulat, madalas nagsusulat lang ako ng kung ano. Kadalasan walang kwenta. Madalas, hindi ko natatapos. Mabilis lang. | Title inspired from Fast Food Fiction.