Enough of the Toxic Positivity

20 2 0
                                    

Sabi ko sa sarili ko, Nope, I'm not gonna write about this one. I have a great novel idea for this one. But damn, I can't help myself.

Ginagago ka na sa harap mo, tapos ipi-preach mo pa rin 'yang toxic positivity mo?

Hindi kasi 'to 'yung oras para maging tahimik tayong lahat. Nasa gitna tayo ng pandemya, pero iba 'yung priority ng gobyerno natin. Isipin mo, 'yung Anti-Terrorism Bill, anyone could be tagged as a terrorist. The vague statements from the bill itself is subject to abuse by none other than the police itself.

Alam mo naman ang pulisya sa Pilipinas, lapdogs ng gobyerno. Their hands are dirtied more during the start of the Du-29+1 administration. Remember, Extra-Judicial Killings? Remember, Kian delos Santos, a teenager who died, alongside thousands of people, who are wrongly accused or not given a proper chance to defend themselves in a court? Walang due process! 

Pero hindi. Spread joy ka pa rin. 

You don't realize but you're privileged, just like me. Privileged ka kasi may sarili kang tahanan. Privileged ka kasi nakakakain ka nang tama. Privileged ka kasi may access ka sa Internet. Privileged ka kasi sa gitna ng pandemya at sa mga isyu sa Pilipinas, safe ka.

Paano naman ang mga mahihirap, na mismong sila ang direktang apektado ng lahat?

Tapos sasabihin mo, tamad sila. Sabihin mo 'yan sa mga magsasaka. Sabihin mo 'yan sa mangingisda. Sabihin mo 'yan sa mga nagtatrabaho nang kontrakwal. Sabihin mo 'yan sa mga pamilyang hindi makaahon sa kahirapan kasi sapat lang ang kinikita araw-araw para lang mabuhay.

Here's my two cents for you: someday, you're gonna realize that we shouldn't be contented on what we have not because we deserve better. You pay the taxes for your government officials. Ulitin ko--tax mo ang nagpapasweldo sa kanila kaya may karapatan ka na mag-demand ka nang mas maganda buhay para sa 'yo

Public transportation? Bullshit dito sa Pilipinas. Yet, the government turns a blind eye and chooses to give priority to private car owners. Who owns those cars? The middle class and the upper class? Paano naman ang hindi kaya mag-afford no'n? Paano tayong normal lang na mamayan na umaasa sa jeep at bus kapag pumapasok sa trabaho? 

Enough with the resilience. Enough with that patience. We deserve better.

You are entitled to demand better to this government.

Kaya, anong masama sa pagbibigay ng kritiko kung pinapakita nito kung ano ang kailangan ng mga mamamayan? Criticisms call out the bad parts so it could be improved. Paano uunlad ang Pilipinas kung ang unang pinapatahimik ang mga kritiko?

Nasaan ang critical thinking na tinataguyod sa mga paaralan? 

Kasalanan ba ng mga guro na itinaguyod ang henerasyon na maging konserbatibo sa mga ganitong isyu? Na huwag manlaban, kahit walang ginawang masama? Na mas mabuti ang sumunod lang sa mga awtoridad kahit na mismong sila na ang walang awang naglalapastangan ng hustisya?

Sapat ba na tanggap ka lang nang tanggap ng impormasyon na hindi mo inaalam kung totoo ba ito o hindi?

Talaga bang nag-aral ka?

Kung binabasa  mo 'to, a big chance that you're coming off from a middle class family. Hindi mayaman, pero tama lang para mabuhay nang payapa. Now, I want you to ask yourself--what is wrong in this government?

Marami, 'di ba?

Isipin mo, kung pinost mo 'yan sa social media, pwede kang tawaging terrorista. Kahit meme pa 'yan tungkol sa administrasyon, terrorista ka. 

Isipin mo, ang mga tao sa US na ipinaglalaban ang #BlackLivesMatter ay binansagang terrorista sa hearing ng Kongreso. 

Isipin mo, ang mga estudyante ng UP, na kahit hindi sumasama sa mga rally pero mulat ang mga mata sa mga nangyayari sa Pilipinas, tinatawag na terrorista.

Ngayon, payapa pa ba ang mundo mo?

Sa akin, matagal nang hindi. Naii-stress din ako. Nagpapahinga kapag sobra na. 'Yung tipong nagdi-deteriorate ang mental health ko sa sobrang daming nangyayari sa Pilipinas at sa mundo. Pero alam ko, alam ko, na hindi ito oras para maging tahimik lang.

Okay sige. Tanong mo sa 'kin: E ano bang ambag mo?

Developer ako sa isang CoVID-19 Testing Center. Teacher ako sa hayskul, at gagawin ko ang lahat para maging mulat sa mga isyu ng Pilipinas ang mga estudyante ko. At, higit sa lahat, hindi ako matatahimik at mapapatahimik.

Dahil nasa tama ako. Nasa tamang lugar ako sa kasaysayan. Gusto kong matandaan na ipinaglaban ko ang paniniwala ko dahil ito ang tama.

Huwag mong ilayo ang sarili mo sa krisis. Kasama ka rito. Hindi ka makakaalis kasi apektado ka rin.

So, anong pwede mong gawin?

Mag-ingay ka. Magreklamo. I-share mo 'yung mga nababasa mo tungkol sa mga isyu sa Pilipinas. Mag-report ng mga troll at 'wag sila pakainin. Magbasa ka at matuto.

At, higit sa lahat, kung nasa tamang edad ka na--magparehistro at bumoto.

Kung hindi pa, mag-aral ka nang tama. Palawakin ang isip. Be a critical thinker.

'Yun lang.

#JunkTerrorBill pa rin.

Drive-ThruWhere stories live. Discover now