Friends

65 5 2
                                    


- xx - xx - xx -
9:05 P.M.

(...)

"May friends ka ba?"

"Syempre! Bakit?"

"Huh? Bakit hindi ko sila pinapakilala sa 'kin? Tingnan mo o, mukha kang hindi lumalabas ng bahay."

"A, akala ko 'yung TV series na Friends."

"... so, wala nga?"

"..."

"...?"

"I hate people."

"So, you hate me then?"

"Slight. Mabuti nga na hindi kita nakikita e at nag-uusap lang tayo rito sa chat."

"Come on, B..."

"What?"

"Bakit 'hate' mo ang mga tao?"

"Kailangan pa bang sagutin 'yan?"

"Oo naman! Kahit isa, or dalawa? Wala ka rin namang minemention."

"Di ko naman kasi sila kaibigan. Nandyan lang sila kapag kunyari, nakikita nila ako na mag-isa. Maaawa sila tapos isasama ako, pero alam ko naman na ginagawa nila 'yon out of pity. At, kapag kasama ko sila, hindi naman ako 'belong'. You get me?"

"Of course, I do!"

"Kaya nga masayang makipag-kaibigan dito sa online world. Di ko siya nakikita. Di kita nakikita. I enjoy the temporary comfort that it gives me."

"Temporary?"

"Nevermind."

"At, paano naman ang physical comfort? Na, nandiyan sila sa tabi mo at hindi mo lang kausap behind the screen?"

"Woah, are you suggesting something? Creepy! Baka bigla na lang nasa tabi na kita ha!"

"B..."

"What?"

"You're dodging."

"Di a."

"Anyway, nandito lang naman ako if you needed someone to talk with."

"Sure thing."

"Osya B, aalis muna ako. Need to do acad work!"

"Okay. Bye!"




- yy - yy - yy -
2:30 A.M.

Unsent.

Di mo na siguro ako naalala. That was the last time we talked.

Hindi ko alam kung anong mali, e. Ako ba? People always do that to me. Am I not interesting enough to make you stay? Am I boring you? May nasabi ba 'kong mali?

I wanted to send these messages but never got the courage to do so. Kasi, ayokong magmukhang demanding. Ayokong sabihan ng clingy. Gano'n naman, 'di ba? Kahit na gusto kitang kausap, hindi ko naman kontrolado ang oras mo.

Nakikita naman kitang online... 'Yun ata ang mas masaklap, e. Naiisip ko lalo na ayaw mo 'kong kausapin. 'Yun naman ang totoo, 'di ba?

Hay.

Oo nga pala. Kaya temporary comfort lang. Kasi, kung sa totoong mundo nga, nang-iiwan ang mga tao, paano pa kaya dito na online? What's the difference?

It both hurt.

So damn much.



- zz - zz -zz -

12:32 A.M.


"Here goes nothing. Hi?"


Drive-ThruWhere stories live. Discover now