5. (Walang title)
Tumawag daw sa 'kin si Friend.
Syempre ako naman, takang-taka. "Hello Friend? What's the problemo?"
Tapos ayun, kinwento niya na bumagsak daw siya sa Programming subject nila. Syempre, iyak-iyak muna siya bago magkwento. Ako naman, bilang isang mabait na kaibigan (naks), pinatahan. Hindi ko sinabi na magiging okay rin ang lahat dahil baka mas lalong umiyak.
Sinabi ko lang, "Shh, shh, nandito lang ako."
Sinabi na niya 'yung dahilan kung bakit daw siya bumagsak. Alam naman daw niyang papasa siya, e. Mataas pa nga raw grades niya sa mga exercises at exams. Kaso, 'yung project nila.
(Surprisingly, na-visualize ko sa utak ko 'yung scenario)
Nakaupo si Friend sa harap ng table ng professor nila. Syempre, kailangan ni Friend ng mga kasagutan sa mga tanong niya para maka-move on na siya. Baka naman kasi mabaliw siya kakatanong sa sarili na, "What went wrong?" o "Ako ba ang may mali? Ako ba ang may pagkukulang?" na mga tanong.
Kakabaliw kaya 'yon. Kailangan ng closure!
"Ma'am, bakit po ako bumagsak?"
"You see, Friend," panimula ng professor (hindi naman talaga niya friend si Friend). "I read your code and it seems really similar to one of your classmates' code."
E nung marining ko naman 'yun, agad naman akong nag-alburoto. Kasi, alam ko na hindi naman 'yun gagawin ni Friend. Hindi naman siya gano'ng klase ng tao. Oo, nangngopya siya (nung highschool; hindi ko alam nung college na), pero as much as possible, gusto niya sagot niya mismo 'yung sinusulat niya.
Tsaka, alam ko na hindi niya kinopya 'yun. Tinulungan ko kasi siya sa code niya!
Hiningi ko 'yung phone number ng professor nila at ako mismo ang nagtanggol sa kaniya na unfair ang pagkakabigay niya ng grade kay Friend. Hindi ko na maalala 'yung conversation namin, basta nag-English ako do'n para mukhang professional (kuno).
Pero, bottomline, 'wag mangopya. Honor and excellence!
YOU ARE READING
Drive-Thru
RandomTuwing wala akong masulat, madalas nagsusulat lang ako ng kung ano. Kadalasan walang kwenta. Madalas, hindi ko natatapos. Mabilis lang. | Title inspired from Fast Food Fiction.