As of August 24, 2016, I have finally moved on. As in. Totally.
Ang cue ko na lang kasi para masabi ko na naka-move on na 'ko ay ang makita kita. Oo, ilang araw rin kitang hinahanap, alam mo 'yun? 21 fucking days since start ng semester. Gusto lang kitang makita para malaman ko kung may nararamdaman ako para sa 'yo o wala.
3 months. 3 months lang ang tinagal ko para makapagmove-on sa 'yo. Sa loob ng three months na 'yun, hindi kita nakita. Iniwasan kita sa social media. Noon kasi, makita ko lang ang mukha mo, nababanas na 'ko. Ang sarap mong sakalin, alam mo? Pero may kakaibang sakit pa 'kong nararamdaman kapag nakikita ko ang masaya mong mukha.
'Yung isipin na mas masaya ka nang wala ako.
Pero, salamat ha? Sa tatlong buwan na 'yon, nahanap ko ulit ang sarili ko. Parang kasi nung naging 'tayo,' parang gumawa ako ng bagong persona. Gumawa ako ng panibagong 'ako' para lang magustuhan mo. Napag-isipan ko nang mabuti kung ang ipinakita ko sa 'yo ay ako nga ba o hindi.
Nagbalik ako sa pagsusulat. Una, sinusulat ko ang tungkol sa 'yo. Mas gusto kong ilabas ang galit ko sa 'yo. Mas gusto kitang patayin. Mas gusto kitang yakapin. Pero lahat nang iyon, isinulat ko. At dahil doon, bumalik ang pagmamahal ko sa pagsusulat.
Mas lalo kong pinahalagahan ang mga kaibigan ko. Kasi kahit wala akong lovelife--kahit wala ka--mas masaya rin ako. Mas masaya makasama ang mga taong tulad nila. Nagkaroon ako ng mas maraming oras kasama nila. Natutukan ko rin sila nang mas malalim.
Marami rin akong natutunan. Na, hindi minamadali ang pagmamahal. Kung magmamahal ka ng isa, huwag kang maghahanap ng kapalit dahil hindi mo 'yun mahahanap na tunay na pagmamahal. Hindi hinahanap ang pagmamahal; kusa itong pupunta sa 'yo habang nabubuhay ka.
Mas naging mabuting tao ako nang maghiwalay tayo.
Pero, hindi pa rin maalis na noon, minahal kita. Dati, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa 'yo. Mahal pa nga ba kita? Bakit ako galit na galit sa 'yo? Anong naging mali sa 'tin?
Maraming tanong na walang sagot. Pero sa lahat ng iyon, ako na mismo ang nagbigay ng sagot.
Hindi mo 'ko minahal. Hindi ka talaga nagmahal.
Hindi na 'ko naghanap pa ng closure. Kasi, okay na 'ko. Nang makita kita kanina, wala akong naramdaman. Hindi ko naramdaman 'yung tulak na yakapin ka. Hindi ko nagawang lapitan ka. Ang ginawa ko lang ay tingnan ka sa malayo, at wala nang iba.
Naging dalawang tao lang tayo. Dalawang taong hindi magkakilala.
Ngayong Miyerkules, August 24, nakita kita, at wala na 'kong naramdaman para sa 'yo.
YOU ARE READING
Drive-Thru
De TodoTuwing wala akong masulat, madalas nagsusulat lang ako ng kung ano. Kadalasan walang kwenta. Madalas, hindi ko natatapos. Mabilis lang. | Title inspired from Fast Food Fiction.