#1. Bakit ka nagsusulat?
Nasa isip ko rin 'yung tanong na 'yan matagal na. As in. Parang parati kong tinatanong ang sarili ko kung bakit nga ba ako nagsusulat. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mahanap ang tamang sagot. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong dapat kong isagot.
And so, nagsimula akong maghanap.
Sobrang na-emphasize ang tanong sa isang orientation ng isang writing org. May isang tula pa, "Para kanino ka nagsusulat? Para saan?" And then, dapat isa-isa kaming sumagot sa tanong.
I answered the cheesiest answer, "Para sa pag-ibig!"
E bakit? E sa wala akong maisagot. Sa gusto ko nang matapos 'yun. Dapat nga isasagot ko, "Para sa deadlines!" kaso baka ma-creepy stare ako ng mga tao roon. So play safe ako.
Honestly, ang gaganda ng mga sagot nila. "Para sa mga kwentong hindi kinukwento ng pangkaraniwang tao!" "Para sa mga boses na hindi madalas naririnig!" "Para sa kalayaan!" "Para sa rebolusyon!" At those likes. E ako naman, hindi ko nga mahanap ang sarili ko na sinasabi 'yan! Although 'yung mga sinusulat ko lumilihis na sa ganyang themes, I write them because I feel like writing it.
Doon tayo mag-start. I feel like writing it.
Hindi kasi ako nagsusulat for someone (well, except for a few unsent letters for someone... basta!). I always write kasi may isusulat ako, kahit walang kwenta. Kahit puchu-puchu. Hindi ko naman talaga kailangang magsulat e, kahit sa contests. Parang natural lang sa 'kin na nagsusulat ako for contest, plus the pressure nga lang. Kaso 'pag wala talaga, e di wala.
I don't write for those voices unheard. Nagsusulat ako for me. Does it sound so selfish? Kaya nga still unanswered ang tanong ko. Nag-reflect ako sa mga narinig kong sagot at parang gusto ko, may purpose ang pagsusulat ko. May deep thought. May something between the lines.
Iniisip ko pa lang, sumasakit na 'yung ulo ko. Hindi naman ako gano'ng tao.
For example, I feel like writing a story about homophobia! E di sinulat ko naman. Kahit super crappy at super sabaw. Kahit na ang daming plotholes. Wala akong pakialam, as long as nasabi ko ang gusto kong sabihin. Ang fulfilling kasi e kapag natapos mo.
Wala akong maisip na analogy, except sa SPG na something. It's like after an orgasm! (Okay, I'm stopping here. I hope you get my point.)
--
One time, I wrote something.
Hindi naman mahalaga 'yung something. Basta, nandoon na siya. Pero may kung anong force na pinupush ako para ipabasa sa iba. Kasi, why not? Malay mo, may mahanap ako na tao na magugustuhan 'yung sinusulat ko.
(On the side note: Buti pa 'yung stories ko, may nagkakagusto. Sa 'kin, wala. #hugot)
Bakit ka nagsusulat? Para may mabasa naman 'yung ibang tao.
Concerned pala ako sa mga tao, shocks!
--
Bakit nga ba may mga taong bored sa buhay? Bakit ayaw nilang gumawa ng kung ano, for example this? Writing nonsense? Bored lang naman sila kasi wala silang ginagawa. Naubusan sila ng gagawin. Kaya kung bored ka, get a life!
I should say that in front of a mirror.
Bakit ka nagsusulat? Kasi, I'm fucking bored.
--
I wrote you a letter. Hindi mo naman mababasa since nasa 'kin 'yung kopya. Ako lang nakakaalam na may gano'n palang nag-eexist. Hindi mo alam ang nararamdaman ko kasi nasa loob siya ng letter. Wala kang alam.
May mga hindi kasi ako masabi sa 'yo nang harapan. Nahihiya kasi ako. Hindi naman kasi ako prangka. I can't tell you how I feel because I'll end up tearing up. Oo, kahit lalaki ako, iyakin ako. Basta tagos sa puso, umiiyak ako. Alam ko naman 'yung sasabihin ko, galing sa puso. Kung nakakapagsalita lang ang puso...
Marami akong gustong sabihin, pero malilimutin kasi ako. Kapag kaharap na kita, natatameme ako. Parang lahat ng gusto kong sabihin, bumabalik sa lalamunan ko. Bigla akong hindi makapagsalita. Bigla akong kinakabahan.
Kaya, sinusulat ko ito. Para lahat ng bagay, masasabi ko. Safe nga e. Hindi ko 'to sasabihin nang harapan. Lahat, masasabi ko. May mahika rin sa pagsusulat--punong-puno ito ng emosyon na kahit hindi mo 'ko nakikita, ramdam mo na galing ito sa puso.
--
Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga.
Therefore, wala talaga akong sagot sa tanong ko. Ang dami kong dinada, tapos 'yung conclusion, ganito? Ah basta, ang gulo ko.
--
Naisip ko 'to nung nagsusulat ako for Catharis S3. Wala e, sabaw ng entry ko. May isa pa kaso di ko pa tapos.
YOU ARE READING
Drive-Thru
RandomTuwing wala akong masulat, madalas nagsusulat lang ako ng kung ano. Kadalasan walang kwenta. Madalas, hindi ko natatapos. Mabilis lang. | Title inspired from Fast Food Fiction.