Attack on Food

58 1 0
                                    

Tinusok ni Allan ang hotdog mula sa kaniyang plato. Agad naman siyang tinudyo ng nobyang si Ellaine.

"Akin 'yan!" singhal ng babae. Nakakunot ang noo nito.

"Pero, nasa tiyan ko na." Binelatan niya ang babae. Mas mabilis pa sa kidlat nitong kinain ang balat ng manok na nakalagay sa isang tabi ng kaniyang plato.

"Whaaa--" Bago pa man siya maka-react ay kinuha pa nito ang iba pang balat ng manok sa one whole chicken na nakahanda. "Leng!"

"That's for getting my hotdog."

"Leng, hotdog lang 'yon. And, may hotdog naman ako." Kinindatan niya ang babae. Umiwas ito nh tingin at nagpatuloy sa pagkain ng  balat ng manok. "Wag mong ubusin!"

Binelatan siya nito. Dahil marami namang pagkain nakahain sa kanila, kinuha niya lahat ng patatas sa Mechado at diretsong ipinasok sa bibig.

Nakanganga naman ito at agad na kinuha ang kaniyang tinidor na may nakatusok na patatas at kinain. Pero habang hindi ito nakatingin ay kumuha na siya ng balat ng chicken.

"Hah! Naisahan ka."

"Not really," anito habang kumakain pa rin ng patatas.

"Really?" At umabante siya at idinampi ang labi rito.

Ngumiti ito. At naisip niya, kaya niyang makipag-agawan ng pagkain sa babaeng ito hanggang sa mamatay siya, basta't hindi siya iiwan nito.

O kahit sa kabilang-buhay, makikigulo pa rin siya.

Drive-ThruWhere stories live. Discover now