NOTE: This excerpt includes some graphic content. This is pure fiction. Some parts of the story is based from what I hear and some research. And I plan to write a full-length short story about this one, but I didn't get to finish it because it's too... graphic. And my plot for this wants to be a novel!
--
Hindi magkandaugaga si Jepoy sa kaniyang kinauupuan. Dahil kakatanggap niya lamang ng sweldo ngayon, paniguradong doon ang unang punta niya. Tiningnan niya ang oras—mag-aalas dose na ng madaling araw.
Nang bumaba sa sinasakyang bus ay iginala niya ang mga mata sa paligid. Nakakalat ang mga traysikel drayber sa gilid. May iilang truck na nakaparada sa di kalayuan. Bukas pa ang ilang sari-sari store upang magtinda ng pagkain sa mga dumarating at mga sigarilyo. Napagpasyahan niyang bumili ng isang stick.
Wala pa siyang nakikitang lalaking mabibiyayaan ng kaniyang bagong bigay na sweldo. Ramdam niya ang pangangati sa katawan. Napamura siya sa sarili.
Aura, o Aurahan, ang tawag sa lugar na ito. Normal lamang ang kadiliman sa lugar na ito dahil nababalot ito ng mga kababalaghan na hindi dapat makita ng mga taong conservative. Para lamang ito sa mga katulad niya na sanay na sa dikit ng mga katawan at nagkakaliskisang mga ari.
Hindi para sa mga maarte ang lugar na ito. Ang mga drayber ang palaging pumupunta rito uang magtanggal ng init sa katawan kapalit ng malaking halaga. Wala lang naman ito sa tulad ni Jepoy. Sa isang tulad niya na gumagalaw sa sociedad na tila ipinagkakanulo ang mga silahis, nararapat siyang magtago sa dilim kasama ang binayaran upang madala sa kaniya sa liwanag ng langit.
Naghahanap ang mga lalaki ng init na hindi maibibigay ng mga misis nila. Siya, naghahanap ng magpapainit.
Nag-ikot pa si Jepoy saglit sa Aura bago pormal na pumili. Nakita niya ang ilang lalaking natikman niya na. Nahanap niya rin ang ilang lalaki na inirekomenda ng ilan niyang kaibigan na masarap at malaki ang mga alaga. Pero naghahanap siya ng panibagong lalaki na hindi pa nakikilala ng kung sinuman.
Napatigil siya sa paglalakad nang makakita ng isang lalaking nakaputing t-shirt at simpleng maong pants malapit sa isang puno. Nanghina agad ang kaniyang tuhod pagkakita sa pigura ng lalaki. Agad rin tumigas ang kaniyang ari. Kita niya sa malayo pa lang ang umbok ng lalaki.
Nagyoyosi ito. Ang yosi niya ay kanina pang upos. Kaya nilapitan niya ang lalaki at sinabi, "Pwede pa-ihip naman ako ng yosi mo."
Napa-tsk ang lalaki. "Ibang yosi ang gusto mong ihipin."
Ngumisi lamang si Jepoy.
Kahit hindi niya maaninag ang mukha nito ay alam niyang gwapo ito. Nakasuot kasi ito ng sumbrero. Balbas sarado ito. Huling ihip na ng lalaki sa yosi bago nito tapakan ang upos na sigarilyo. Saka nito hinawakan ang kaniyang kamay at ipinahawak ang naghuhumindig na alaga.
Hinila nito si Jepoy sa isang malayong lugar. Panay ang hipo niya sa lalaki. Hindi naman niya alam ang reaksyon ng lalaki maliban sa ilang ungol na ginagawa nito. Miminsan ay naipapasok niya sa loob ng kaniyang damit ang kamay. Ramdam ni Jepoy na painit nang painit ang kaniyang nararamdaman.
Tumigil sila sa isang abandonadong bahay. Maski ang mga katabi nitong bahay ay hindi gawa. May mga basag na bote sa gilid nito. Nang pumiri ang lalaki sa isang gilid, binuksan agad nito ang pantalon at tila isa siyang hayop na tumalon dito.
Panay ang ungol ng lalaki. Ang kaniyang kamay naman ay gumagala sa itaas nito. Pinisil niya ang mga utong, at dinampi ang matitigas na abs nito. Halos hindi magkasya sa kaniyang bibig ang kalakihan nito.
Nang malasahan niya ang kakaunting labas nito ay sinabihan nitong tumuwad siya. Syempre, alam na niya ang gagawin. Agad niyang hinubad ang suot na pantalon.
Akala niya ang sandata nito ang mararamdaman, ngunit isang matalim na bagay ang pumasok sa kaniyang lagusan. Napabalikwas siya sa sakit. Ramdam niya ang dugo na tumulo sa kaniyang mga hita.
Bago pa man siya makatingala, isang basag na bote ang diretsong bumaon sa kaniyang ulo. Ang kaninang malibog na katawan ay bumagsak sa sahig. Sumirit ang dugo sa paligid, maliban sa lalaki na umiwas.
Hindi pa nakuntento ang lalaki dahil ang ibang bote na nakakalat ay ibinaon pa nito sa katawan ni Jepoy. Isang ngisi ang nasa labi ng lalaki. Nanatiling nakabukas ang kaniyang pantalon. Pinaulanan pa nito ng ihi ang katawan.
Kinuha nito ang pera ng lalaki. Gamit ng hintuturo at dugo, inilagay nito sa dingding ang mga salitang: BAKLA, SALOT SA LIPUNAN.
YOU ARE READING
Drive-Thru
RandomTuwing wala akong masulat, madalas nagsusulat lang ako ng kung ano. Kadalasan walang kwenta. Madalas, hindi ko natatapos. Mabilis lang. | Title inspired from Fast Food Fiction.