The Prophecy

32 2 0
                                    

Ilang daang taon na rin ang nakalipas nang mamayapa ang babaylan ng Pilipinas, si Manang Aldina. Noong mga panahon na buhay pa siya, sa kaniya humihingi ng payo ang mga tao patungkol sa kanilang kinabukasan. Siya rin ang nagsasabi kung kailan darating ang mga delubyo sa bansa. Minsan mali, kadalasan tama.

Pero, siya na rin mismo ang nagsabi ng mga katagang ito: "Sa loob ng limang araw, ako'y mamamatay. At ang huling mga salita ko ang magdidikta ng kapalaran ng Pilipinas."

Nagulantang ang kaniyang mga tagasunod. Hindi malaman ang susunod na gagawin. Anong mangyayari sa Pilipinas kung wala na ang humahalili sa mga tao? Paano sila mabubuhay nang hindi nalalaman kung anong mangyayari sa kinabukasan? Paano pipigilan ang mga banta at panakot sa bansa kung wala ang babaylan?

Kaya, hinigpitan ang seguridad ng tahanan ni Manang Aldina. Naging kontrolado ang bawat kilos nito. May katandaan na ito, kaya bawat kilos niya ay may nakaalalay na tagasunod. Nagkalat ang mga mandirigmang may matutulis na bolo sa labas ng kubo. Maski ang pagkain ng matanda, tinitikman muna ng tatlong babae bago ipakain upang siguraduhing walang lason.

"Walang saysay ang mga pinaggagawa niyo," komento ng matanda. "Darating at darating ang delubyo sa bansa."

"Isa nang delubyo ang pagkamatay niyo, manang," sagot ng isang tagasunod. "Ano nang gagawin namin nang wala ka?"

"Mabuhay."

--

Limang araw ang nakalipas, ngunit walang bakas na malapit nang makita ni Manang Aldina si Kamatayan.

Normal pa rin ang araw niya. Nagpasalamat sa mga diyos. Nag-alay ng mga sakripisyo. Kumain kasama ng mga tagasunod niya. Sinuot pa niya ang paborito niyang balabal--tinahi ng iba't ibang kulay na may simbolo ng mga diyos at diyosa.

Nakangiti pa ang matanda nang biglang nandilim ang paningin nito.

Nagsigawan ang mga tagasunod. Inalalayan siya ng tatlong babae nang mahulog siya sa papag. Agad na pumunta ang mga mandirigma sa loob.

Kasabay ng pagbagsak ni Manang Aldina ang malakas na ulan at matinding kulog. Yumanig nang mahina ang lupa. Walang makita ang mga tao kundi purong kadiliman.

"Sa mga susunod na dekada, darating siya," panimula ng matanda.

Nagulantang ang lahat. Lumalim ang boses ni Manang na tila ibang tao ang nagsasalita. Pumalibot sa hangin ang kakaibang usok.

"Siya ang magtatakda kung magugunaw ba ang mundo, o patuloy ito sa pag-ikot."

Sa isang iglap, isang kidlat ang tumama sa kubo--direkta sa katawan ng babaylan.


--


I've been feeling frustrated lately because I haven't been writing. All those school works, added that I joined an organization that also eats my free time. It makes me feel guilty because I believe (that's a strong word) that if you really love something, you'll make time for it.

Writing is much more than that. It's my escape to the harsh reality. It's a way of playing inside my mind. 

But these days... I just can't write and I can't make time for it. 

I missed a lot of my deadlines for writing contests recently. I thought of a lot of great story ideas but failed to write them down.

I told myself, stop the pressure. You can always write, even just a small snippet. Just start.

And I did.

(So I'm not sorry for the crappy entry above. May kasunod pa kasi 'yan.)

Drive-ThruWhere stories live. Discover now