(Weird) Dreams #3

25 2 2
                                    

3. COKE

2015 ko pa 'to napaginipan pero malinaw pa rin sa isip ko.

Hindi ako umiinom ng softdrinks, swear. Tanong mo pa sa mga kaibigan ko, e.

Kaya laking gulat ko no'ng lumalaklak ako ng 1.5 litro ng Coke. Walang pahinga. Inom lang kung inom.

Kasi, lasa siyang cranberry.

Bagong flavor lang noon 'yung Cranberry Iced Tea ng Nestea, kaya naisipan namin ng mga roommates ko na subukan 'yon, kasama ng Honey at Apple. Nilagay namin 'yon sa isang malaking pitsel at nilagyan ng tube ice. Bumili rin kami ng mga chichirya (Pic-A) at kumain. Nanood kami ng horror no'n.

Akala ko, mapapaginipan ko 'yung multo. Ayoko kasi ng horror, e. Pero, mas tumatak sa isip ko 'yung lasa ng cranberry.

Ganoon naman talaga, 'di ba? Kapag bago, tumatatak sa isip natin kung nagustuhan ba o hindi. At, susubukan ulit kung oo. Kahit naman hindi bago, basta nagustuhan natin ang isang bagay, nanatili siya sa isipan natin.

Kaya hanggang ngayon, gusto ko pa rin ang lasa ng Cranberry Iced Tea flavor ng Nestea. Favorite ko ang Four Seasons flavor ng juice, pero may kakaiba sa lasa no'n at inuulit ko. Masarap siya kapag may halong iba (masarap ang Strawberry at Honey!)

Drive-ThruWhere stories live. Discover now