Tulala

49 3 1
                                    

Nakatitig ka lang sa kawalan.

Wala kang iniisip. Blangko. Zero. None. Null. Sabi ng prof mo, practice raw 'yan para hindi ka masyadong ma-stress. Learn how to empty the mind daw para mamaya, prepared na. Kung nasa Hogwarts ka, pretty sure you'll ace Occlumency.

Pero nang maisip mo ang tungkol sa iyong propesor, naisip mo ang mga grado mobg pabagsak na. Falling. Buti pa ang grades mo, nalalaglag. 'Yung crush mo, hindi pa rin. Ilang quiz pa ba ang ibabagsak mo? Ilang exercise pa ba ang hindi mo matatapos? At tatanungin mo ang sarili mo kung bakit ang hirap.

Pero nang maisip mo ang crush mo, namula ka. Papable. Pogi. Maskulado. Perfect! Naalala mo na tinetext ka na pala niya kaso madalang lang. Syempre, pakipot ka nang konti. Nagsimula ka na ring magdyeta kahit wala naman nang tulong. Patapos na rin ang sem at paniguradong tataba ka sa bakasyon.

Pero nang maisip mo ang tungkol sa pagdidyeta, napaisip ka kung may pera ka pa ba ngayong linggo. Huli mong tingin ay kanina at sapat lang iyon upang makauwi ka sa susunod na araw. Matagal pa kaya kailangan mong magtipid. Saktong sakto ang pagdidyeta dahil palagi kang maggugulay. Healthy na, tipid pa. O di kaya pumunta ka sa mga libreng pakain ng org.

Pero nang maisip mo ang org, tinanong mo ang sarili kung kailan ka sasali sa isa. Sabi mo kasi, wala kang time para roon. Totoo namang mahirap, e. Kaso marami kang matatagpuang kaibigan at matututo ka ng iba't ibang aral sa buhay. Pero hindi lahat ay mabuti. Malay mo, mameet mo si The One doon.

Pero nang maisip mo ang The One, bumalik ang topic sa iyong crush. Napakalandi niya, actually. To think na iba't ibang girls ang kinakausap niya! No, hindi siya bakla. Sa gwapo niyang 'yun e. Pero winiwish mo na sana, mapansin ka niya. Hindi 'yung ikaw lang palagi ang pumapansin sa hubog ng katawan niya. Gusto mong uminit ang Pasko mo kahit papaano.

Pero nang maisip mo ang Pasko, dinebate mo ang sarili mo kung magbibigay ka pa ng regalo. Wala ka na ngang budget, gusto mo pang magregalo. Okay lang naman siguro 'yung cheap, di ba? It's the thought that counts.

Pero nang napaisip ka sa thought, napautot ka. Wala lang. Magkatunog kasi.

Pero napaisip ka ulit. Bakit ang dami mong iniisip? Kanina lang, tulala ka at walang iniisip. Ngayon, kung ano-ano na ang pinagdadaldal mo.

Nagpasya kang tumigil. Tumutok ka sa puno at tinitigan ito nang matagal. Wala ka na ulit na iniisip. None. Null. Wala.

Pero napaisip ka... at isa pa... at isa pa...

Drive-ThruWhere stories live. Discover now