#3. What is happiness?
Marami naman kasing brand ng happiness.
Unique tayong mga tao, and we differ by the things we like and dislike. Nagkakaiba tayo sa mga bagay na nagpapasaya sa 'tin, kasi iba-iba naman tayo ng mga taste, e. Baka sa ibang tao, hindi naman talaga enjoyable ang mga bagay na hilig mo. Baka sa ibang tao, sobrang enjoyable naman nito.
My point is that, we define our own kind of happiness.
I have some cases of different people and their kind of happiness.
The first one--for me, the most common--found his/her peace with God. Nahanap niya na kung sino nga ba ang Diyos at kung ano ba ang mga kabutihang ginawa Niya sa mundo. Sabi niya, "Hindi naman ang Diyos ang maghahanap sa atin. Tayo mismo ang maghahanap sa Kaniya."
Itong pinakauna, palagi siyang nagsisimba, o kung ano man ang sarili nilang porma ng worship. May iba't ibang relihiyon naman kasi at hindi iisa lang. Kung paano siya mamuhay ay sa kung ano ang kagustuhan ng Diyos, sa tingin ko. Palagi niyang kinakausap ang Diyos.
Palagi siyang may pagmamahal, tulad ng Diyos. Parang namimigay siya ng kabutihan sa paligid niya.
The second one, iba naman ang trip niya. He/she finds sex pleasureable. Hinahanap ng katawan niya ang kapwa katawan na makakapagbigay sa kaniya ng kasiyahan. Kakaiba ang bawat hagod na bigay, pati ang bawat ulos. Pakiramdam niya, nasa Langit siya tuwing nakikipagtalik.
Hindi lang 'yon. Tila hindi siya makuntento sa isa lang. Gusto niya pa nang paulit-ulit. Tila nawawala siya sa mundo tuwing ginagawa niya ito.
The third one, gusto niya ng adventure. Kaya, nagtatravel siya. Kung saan-saan siya nakakapunta dahil sa kati ng kaniyang paa na maglakad. Kung saang sulok siya ng iba't ibang lugar nakakarating. Namamanga siya sa ganda ng mundong ginagalawan niya.
Gustong-gusto niya rin 'yung thrill na nararamdaman niya. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kaniya sa susunod na minuto, o oras, o araw. Bumibilis ang tibok ng puso niya tuwing nasa sitwasyon siya na delikado.
The fourth one, gusto niyang mag-shopping. Fashionista kasi, e. Araw-araw, parang naglalakad siya sa isang runway sa ganda niyang manamit. Agaw-pansin siya at pinagtitinginan ng mga lalaki dahil hindi mapagkakaila na maganda ito.
The fifth one, gusto naman niyang maghanap ng jowa.
The sixth, gustong magbasa ng mga libro.
The seventh, gustong mag-aral nang mag-aral.
The eighth, gustong mag-work out. Athletic kasi.
Marami kasing mga bagay na nagpapasaya sa atin. Kahit na hindi ito talagang accepted ng lipunan, who cares? Ijujudge talaga tayo ng mga tao base sa mga gusto natin. Baka for some people, kadiri ang pakikipagsex. Sa ibang tao, reading books is such a bore. Baka naman, ang pagiging adventurous ay delikado. Baka ikamatay pa niya!
Or maybe, what I call happiness is not happiness at all. Maybe it's just pleasure.
But, it's the state of being happy.
So I ask myself--sa mga pinaggagawa ko ngayon, masaya ba talaga ako? I don't know.
Mababaw kasi ang kasiyahan ko. Sa akin, mapakinggan lang ang isang magandang kanta na swak sa mood ko, masaya na 'ko. O basahin ang paborito kong mga libro nang paulit-ulit. Masaya na 'ko tuwing nakakain ko ang mga paborito kong pagkain.
Wala nang mas sasaya sa 'kin kapag kasama ko ang mga kaibigan ko. Kahit minsan, nakakainis sila, nagiging buhay ako dahil sa kanila. Nakakapagsalita ako, nakakapag-ingay ako...
Tuwing nakakatanggap ako ng mga comments, masama man iyon o mabuti, natutuwa na 'ko. Kasi, masaya na 'ko na may nagbabasa ng gawa ko. Masaya na 'ko na 'yung pinaghirapan ko, nababasa ng iba. Kahit ito. Kahit na puchu-puchu.
Pero, baka mag-iba pa ito. Kasi sumusubok ako ng mga bagong bagay. Baka kasi, mahanap ko ang gusto ko sa mga iyon.
Ikaw ba? What makes you happy?
YOU ARE READING
Drive-Thru
AcakTuwing wala akong masulat, madalas nagsusulat lang ako ng kung ano. Kadalasan walang kwenta. Madalas, hindi ko natatapos. Mabilis lang. | Title inspired from Fast Food Fiction.