Today, my laptop finally gave up.
Hindi ako nagbibiro kapag sinasabi ko na buong buhay ko, nasa laptop na 'yun. Kasi, nandoon lahat ng drafts ko. Nandoon lahat ng mga puchu kong sinulat--tapos man o hindi. Nandoon 'yung mga pinlano ko sa mga susunod kong mga istorya. Nandoon lahat.
Hindi rin kasi ako nagbibiro noong sinabi ko na gusto ko magsulat. Natututunan ko nang mahalin ang pagsusulat kahit na paunti-unti. Araw-araw, iniisip ko kung ano ang mga susunod kong isusulat, mga gusto kong isulat, at kung papaano maging epektibong manunulat. Hindi ko gustong maging "magaling" na manunulat kasi hinding-hindi ako magiging ganoon. Mas swak sa 'kin ang "epektibo" dahil mas gusto kong natutuwa ang mga mambabasa sa mga gawa ko.
Lahat ng ito, akala ko kasama ko sa paglalakbay na ito ang laptop na ito. Pero, sumuko na rin siya.
Throwback, 2014. First laptop na Toshiba. Finally, na-solo ko na 'yung laptop ko kasi nag-College na 'yung kapatid ko. Palagi kong sinasabi na ang ganda ng mga ginawa ko sa time period na 'to. Parang may sense. Parang ang deep. Binasa ko pa 'yung drafts ko noon at napa-wow ako. Kasi ang deep ng bonding namin ng laptop ko. Kada tipa ko sa kaniyang keyboard, pakiramdam ko talaga na gumagawa ako ng isang bagay na espesyal. Na tipong ipapakita mo sa mga kaibigan mo at sasabihin, "Gawa ko 'yan!" Na tipong ipagmamalaki mo sa lahat 'yung gawa mo.
Pero kinalaunan, sumuko rin siya. Hindi ako nagback-up, except sa isang Drafts folder sa USB ko. 'Yun lang ang naisalba ko. Mas nanghinayang ako sa ibang ginawa ko na hindi ko nilagay sa loob ng folder. Mas marami akong ginawa na maski ako, hindi ko na matandaan. Hindi na siya naayos.
Noong time period na rin na 'yon, parang wala, tumigil din ako sa pagsusulat. 'Yung ritmo ko sa pagsusulat, nawala na rin. Hindi na tulad ng pagtitipa ko sa laptop na 'yun kumpara sa mga laptop na hiniram ko. Mas lalong hindi sa mga PC. May malaking bagay na nawala sa 'kin, at hinahanap-hanap ko iyon.Fast forward, first year in College. Mag-cocollege na rin ako so dapat, may sarili na 'kong laptop. Since wala na 'yung isang laptop, kailangang bumili ng bago. Binigay sa 'kin 'yung laptop ni Ate habang sa kaniya 'yung bago. Nainggit ako nang saglit, pero kinalaunan hindi na. Sabi ko, "Ang ganda ng laptop na 'to!"
Sure, ilang taon na 'tong laptop na 'to. Secondhand pa siya nung binili ng nanay ko. Baka limang taon na rin 'yung edad niya sa ngayon. Pero nakatagal siya sa 'kin ng dalawa pang taon.
Noong una, hindi pa 'ko sanay sa paggamit no'n. Hindi pa ko kumportable sa pagtitipa ng mga salita. Naiinis ako kasi tuwing nagtatype ako, biglang lumilipat dahil sa touchpad. Pero kinalaunan, nawala rin. Nagawan ko ng paraan.
Ang daming memories kasama ng laptop na 'yun. First semester. Doon kami palaging nanood ng movies kasama ng roommates ko. Doon rin ako nanood ng mga series. Malaking parte siya kasi nakasama ko siya noong nagsisimula pa lang ako sa kolehiyo.
Second semester. Doon ako unang natutong mag-code. Computer Science kasi ang course ko kaya sabi nila, necessity ang pagkakaroon ng laptop. Hindi pa naman noong simula kasi isang coding subject pa lang ang meron no'n.Doon ako gumawa ng LRP ko. Under sa isang terror prof pa 'yun kaya alam ng laptop ko ang dami ng mga reklamo ko kung gaano kahirap mag-research. Alam niya 'yung hirap na dinanas ko sa subject ma 'yun para makapasa.
Alam din niya 'yung mga nangyari sa love life ko. Dito ako nagsimula na maging kumportable sa laptop ko. Sa kaniya ko binuhos lahat ng mga nararamdaman ko, lahat ng mga sakit. Alam niya ang buong kwento kung paano kami nagkakilala, kung paano kami nasira. Mas naikwento ko sa kaniya ang istorya kesa sa mga kaibigan ko. Alam niya rin ang mga sulat para sa kaniya. Kasi nandiyan siya sa tabi ko noong panahong iyon.
Nandoon din 'yung mga pangarap ko. May isang file doon para lang sa goals ko ngayong taon. 'Yung isang challenge nga, halos matatapos ko na e. Tapos nawala.
Ang hirap pala. Ang hirap mawalan ng minamahal mo sa buhay. Mapa-tao man 'yan, hayop, o bagay, masakit pa rin talaga. Nanunumbalik lahat ng mga alaala kasama siya. Nanghihinayang ka sa mga oras na hindi mo siya pinahalagahan nang sobra. Ipinagdadasal mo na sana maging maayos siya. Kasi mahalaga siya sa 'yo. At kung mahalaga ang isang tao, hayop, o bagay, ibig sabihin may malaking parte ng buhay mo na kasama niya.
Sabihin na ang gustong sabihin. Mahalaga sa 'kin ang laptop ko. Nandoon ang buong buhay ko. Binuhos ko sa kaniya lahat ng gusto kong sabihin, lahat ng mga hinanakit ko, lahat ng mga ideyang gusto kong isulat.
Sana, sana, hindi siya mawala na parang bula.
YOU ARE READING
Drive-Thru
RandomTuwing wala akong masulat, madalas nagsusulat lang ako ng kung ano. Kadalasan walang kwenta. Madalas, hindi ko natatapos. Mabilis lang. | Title inspired from Fast Food Fiction.