(Weird) Dreams #1

42 1 1
                                    

1. CUDDLING (with a certain girl who I must not speak of)

Alam kong natutulog ako, pero nang magising ako ay isang mukha ang bumulaga sa 'kin. Katabi ko ang nanay ko matulog (sa iisang comforter lang kami natutulog na tatlo--ako, si Mama, si Papa) kaya akala ko siya. Pero, maiksi ang buhok ng nanay ko. Bakit... bakit kulot ang buhok niya?

Napalunok ako ng laway. Masama ang kutob ko sa mga nangyayari.

Tinawag niya ang pangalan ko. Oo, tama. Boses niya nga iyon. At ang mata niya na kasingkulay ng pinakulay niyang buhok. At ang maliit na nunal sa tabi nito. Ang ilong niyang matangos. Ang pulang labi niya. Ang maliit niyang mukha.

Siya.

Hindi ko alam kung papaano siya napunta sa tabi ko. At, bakit iba ang paligid ko? Bakit bigla akong napunta sa loob ng dormitory? Tumingin ako sa itaas at may isang kama pa roon. Tumigin ako sa kanan at naroon ang ikalawang double decker. Sa di kalayuan ang maliit na mesa para sa apat (na makalat; punong-puno ng mga handouts, pagkain, at isang laptop). At isa pa, bawal ang babae sa dormitoryo. Kaya papaano siya nakapasok dito? At, papaano siya natulog sa tabi ko?

Hindi ko alam ang gagawin ko. Parati naman akong natataranta kapag kasama ko siya, e. Payo ng mga kaibigan ko, kalma lang daw. Chill. Kapag kasama mo siya, dapat cool ka lang. Masisense niya kapag natataranta ka at hindi maganda 'yun. Awkward.

Hindi pa ba awkward ang sitwasyon ngayon? Hindi dapat kami magtabi sa kama! Hindi pa kami!

(At dito natandaan mo ang sinabi niya: Uhm, sorry ha. Kasi, friends lang muna ang maibibigay ko sa ngayon. Pero, don't worry. Ikaw naman ang closest guy friend ko. With her signature smile na hindi ko matanggihan. E kahit ano namang gawin niya, payag lang nang payag.)

Biglang bumalik 'yung memories noong una kaming mag-sine. Moana 'yung pinanood namin. E 'yung signature song do'n--'yung parang Let It Go ng Frozen--e 'yung How Far I'll Go. Parehas kayong na-LSS do'n.

How Far I'll Go nga ba ang magagawa ko?

Here goes nothing. Unti-unti kong hinawakan ang kaniyang braso na parang isang sanggol na natatakot gumising para hindi umiyak. Tinusok ko muna para i-testing kung anong feeling. Na-kuryente ka agad. At hindi siya nagising. Sabi ng isipan mo, Go na! Diretso na, bes!

Dahan-dahan kong nilakbay ang braso niya. Ang lambot, gaya ng nasa imahinasyon mo. At, nakaabot ka sa kamay niya. Tumigil na 'ko doon. Kasi, hanggang doon lang ang kaya ng powers ko. At, katabi ko siya. Mamaya may mapansin siya...

Ilang minuto lang ang tinagal no'n, kasi bigla siyang umikot at humarap sa 'kin.

Napamura ako sa isipan ko. Kanina hawak lang sa kamay, ngayon, naging yakap na. Malapit na malapit ang mukha niya sa 'kin. Rinig ko ang mahinang paghinga niya. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Hindi ako mapakali.

Muli kong ipinikit ang mata ko at natulog. Para may palusot ako na akala ko, unan lang 'yung katabi ko kapag nagising ako.

Pero noong nagising ako, unan ang katabi ko. Sa tabi no'n ay ang laptop at ang electric fan. Tumingala ako at nakita ang kisameng dilaw. Sa kaliwa ko ay ang tatay ko na natutulog katabi ang kapatid ko.

Inuntog ko ang ulo ko sa semento. Dapat, umamin na 'ko!

--

Nasa Chapter Six na 'ko ng Ang Paghahanap Sa Nawawalang Liwanag at bigla kong naalala 'to. Medyo totoo, medyo hindi. You judge what's real or not.

Drive-ThruWhere stories live. Discover now