TRIGGERED

186 11 4
                                        


Dahil madalas akong ma-Trigger these days.

--

Ilang linggo ko na ring nilalandi ang pinakagwapo kong kaklase sa isang subject na si Liam.

Well, in my defense, sobrang hirap din kasi ng subject na 'yon. Saktong napakatalino ni Liam, plus approachable! Palihim lang syempre 'yung paglalandi ko sa kaniya since baka ma-turn off siya sa 'kin.

Pa-simpleng moves lang ako syempre. Minsan, niyayaya ko siya sa Jollibee para kumain ng favorite niyang Chickenjoy. Palusot ko naman mag-group study raw kami doon para naman maiba ang environment. Malapit na rin kasi ang exams. Sayang, kasi hindi ko siya ma-solo like 'yung solo niyang order.

Pero, etong si Ate Gurl, hindi papatinag! Sinuot ko ang pinakarevealing kong top na halos makita na ang kinabukasan kong pwede nang sister ng watermelon. Hindi ko rin naman keri 'yung aircon ng Jollibee dahil sleeveless 'yon. Nag-maong super micro mini shorts din ako.

Nag-abang ako sa labas for him. Dapat pak ganern 'yung pose ko habang naghihintay. Pero nung dumating siya, shet. Muntik na kong matunaw sa smile pa lang niya. Pero, hindi dapat mawalan ng composure! Ginamit ko ang aking Allure Exclusive For Liam.

Nauna na kasi sa taas ang friends namin at siya na lang. Pabebe, 'di ba? Kaya ma-fall ka na sa 'kin!

Ay pocha. Ibang fall ata 'yung nangyayari, e. Ako ba naman nag-oorder for him? Well, I insist naman e. Too bad wala akong gayuma para bigyan na niya 'ko ng atensyon. Chos!

Nung dumating ako, grabe na 'yung chika nila. Tinabihan ko naman si Liam, kaso may panira talaga eh. May isa pa siyang katabing gurlalu na ang pangit talaga! Isuksok ko sa mukha niya ang kauri niyang camel e! Nagsama-sama naman ang boys sa harap namin pati sa gilid.

Boys like eye candy like me, so tingin nang tingin ang mga boys sa 'kin kapag bumababa ako to answer some questions. No! For my baby Liam lang 'to. Pero grabe talaga e, hindi pa rin talaga siya tumitingin sa 'kin passionately. Masyado siyang busy.

Chinachat ko naman siya palagi. Hilig niya nga mag-Emoji eh. Syempre ako favorite emoji ko 'yung Kiss. For him syempre!

A day before ng exam, nagchat kami. Pasimpleng paturo naman ako sa kaniya. Minsan may pahugot akong sinasabi. Psh, di niya alam para naman 'yun sa kaniya.

Bago ako mag-off, sinabi ko sa kaniya, "Good luck sa exam natin bukas! Kaya natin 'to!" Plus emojis!

Tapos ang reply niya, "Oo nga! Kaya natin 'to bes."

Nanlaki ang mata ko.

Bes.

Bes.

BES.

NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!

Simula no'n, hindi ko na siya nilandi ulit. Ew, no! Never. Bakla na nga, friendzoned pa!

Drive-ThruWhere stories live. Discover now