Tatlong taon na pala ang Drive-Thru. Parang di ko namalayan na sobrang tagal na nang sinimulan kong magsulat rito.
Ganoon ding ang nararamdaman ko tuwing binabasa ko ang ibang akda ko, tulad ng Mathilda Bruhilda. Parang kahapon lang nang isulat ko sila. Parang bago pa sa isip ko. Pero sa isang banda, alam kong may nag-iba.
Ang pananaw ko sa mundo.
Ang tanda ko na pala. Ngayon ko lang talagang na-realize. I'm not the same fourteen-year old when I started writing for contests, nor the same seventeen-year old struggling with relationships and academics. Nineteen na ako, turning twenty in exactly a month, and I could say that I struggled and triumphed after those years.
Nakaka-proud na ang dami kong na-achieve sa personal goals ko. Ga-graduate akong cum laude. Pangarap ko 'to noong first year pa lang. Gusto ko kasi ipamukha sa lahat ng mga tao na ang isang tulad ko na galing sa isang hindi kagandahang private school ay magtatapos nang marangal. Pakiramdam ko kasi, minamaliit ang mga tulad kong hindi likas ang katalinuhan, dinadaan lang sa sipag. (Pero sa isip ko lang talaga 'to, kasi sa UP, wala talaga silang paki kung saan ka nanggaling.)
Gusto ko rin ipamukha sa mga tao na ang isang madaldal na tulad ko ay matalino pala. Ewan ko, sa unang tingin sa akin, di naman ako mukhang matalino. Daldal ko kasi e. Iniisip ko, sa daldal kong 'to, walang laman ang isip ko. Well, here I am.
And of course, I wanted to graduate with honors because I wanted to. Hindi dahil gusto 'to ng mga magulang ko. I actually don't care of what they'll say. Hindi dahil sa mga kaibigan ko. Hindi dahil sa pressure ng lipunan. Kasi, gusto ko.
'Yung thesis ko (Special Problem talaga ang tawag dito, pero parang thesis din 'to (actually nagku-qualify 'yung gawa ko as thesis) para hindi mahirap i-explain), isa sa nominees ng Best SP sa batch namin. 'Yun pa lang, winner na 'ko. Kasi hindi ko naman pinangarap na mag-research. Kung pareho pa rin ako noong first-year ako, hindi ko gugustuhin mag-research. Pero ngayon, kating-kati na ko na mag-research. Kasi gusto ko pang matuto.
Pangarap ko rin na ma-publish ang gawa ko. Nagbenta ako ng mga zines ng mga gawa ko. Ang gusto ko lang do'n ay kumita (kasi walang-wala na talaga ako no'n) at malaman ng mga tao ang mga gawa ko. Pakiramdam ko kasi, hindi pa rin ako kilala rito sa Wattpad. Pero hindi naman dahil sa pagiging sikat o maraming mambabasa nasusukat ang isang manunulat.
Sana nga, maka-publish. Kahit man lang 'yung SP ko. Sasali kasi ako sa mga academic conferences, pero sobrang dami pang mga revisions ang gagawin ko. Pero, worth it. Masaya ako rito.
Marami na rin akong nasulat na mga akda, kahit hindi pa sila tapos. My English writing style has grown, and I've wanted to write more in this voice. Maraming LGBTQ-themed stories na rin pala ang nasulat ko. Pati mga cheesy romance stories. Proud ako sa kanilang lahat. Sa susunod, babalik ako sa nakasanayan ko. Fantasy. Nag-aadjust pa 'ko, pero sana makaraos.
Naging miyembro rin ako ng Executive Committee ng org ko sa UP. Masaya pala na nakaka-stress. Sabi ko pa naman noong bagong sali ako sa org, gusto ko ma-stress kaya gusto kong mag-head ng isang event. Ngayon na isa ako sa mga naging lider, hindi ko na ulit gugustuhin pang ma-stress. Chill muna ako. Marami akong natutunan, at mas lumalim ang pag-iisip ko nang maging lider ako. Marami palang dapat na isaalang-alang.
At meron akong jowa. Hehe. Love you.
Nanalo na rin ako sa isang writing contest. Salamat, Writing War I.
Nagkaroon ako ng mga part-time jobs. Isa akong part-time developer sa isang company kasama ng mga kaibigan ko. Nag-apply ako bilang part-time instructor. Naging student assistant pa 'ko!
Ngayon ko lang talagang naisip kung gaano ako ka-workaholic. Kahit ngayong may sakit ako, nagta-type pa rin ako. Wala e, parang ang saya magkasweldo habang natututo pa 'ko.
Naging iskolar ako ng DOST. Ito ang nagsalba sa 'kin. Kung hindi ko natanggap ang allowance, hindi ako makakabili ng laptop. Dito na rin ako kumukuha ng mga panggastos ko, para man lang makaluwag sa mga magulang ko.
Natuto akong makipagsalamuha sa mga tao. Dati, nahihiya pa ako makipagkita sa mga online people ng writing community. Ngayon, okay lang, di pa rin (muna) ako magsasalita. Kebs lang. Pero at least, kaya ko na makipagkita. Madaldal ako kapag feel ko.
Ewan.
Hindi 'to isang post para mag-brag ng mga achievements ko. Hindi ko kasi kayang i-share lahat ng mga naging paghihirap ko rito. Pero lahat ng iyon, nakasulat dito. Hanapin mo na lang. Hulaan mo na rin kung piksyon ba 'yon o hango sa totoo kong buhay. Ikaw manghusga. Ilang taon rin nakaipon ang mga paghihirap ko rito.
Pero ang pinakapinapahalagahan kong achievement ay ang pagnanasang matuto. Gusto ko pang mag-aral. Sa ngayon, parang gusto kong matuto sa larangan ng komunikasyon at wika. O di kaya mag-pokus sa gusto kong research field. O matuto ng malikhaing pagsulat. Ang akala ko, nakukulong lang ang pag-aaral sa silid. Hindi pala. Sobrang daming impormasyon ang nakapaloob sa paligid ko.
Masaya. Masayang natututo.
Hanggang dito na lang muna, magco-code muna ako.
YOU ARE READING
Drive-Thru
DiversosTuwing wala akong masulat, madalas nagsusulat lang ako ng kung ano. Kadalasan walang kwenta. Madalas, hindi ko natatapos. Mabilis lang. | Title inspired from Fast Food Fiction.