Travelling

60 2 2
                                    

So taga-Cavite nga ako, at nagdodorm ako sa UPLB.

Umuwi ako kahapon, Sabado sa bahay sa Cavite. Dapat kasi Friday kaso may exercise pa ako na hindi pa natatapos, kaya tinapos ko muna. Hapon na 'ko nakarating sa 'min.

Nakakatamad kasi umuwi at umalis. I mean, gusto ko namang umuwi ng bahay, kaso ang hassle kasi na sumakay sa van. Unfortunately, walang ibang pabalik sa Cavite from Laguna kundi van (pwera na lang kung gusto mong maging traveller talaga at sumakay pabalik ng Cavite through jeep routes). Unfortunately for me, I hate vans.

Kulob kasi. Wala naman akong problema sa van talaga. Ayoko ng amoy ng aircon. Nakakahilo. Kung binuksan lang nila 'yung bintana, mas okay ako do'n. Magsasaya talaga ako 'pag ginawa nila 'yon.

E hindi. So no choice talaga ako kundi takpan ang ilong ko for the whole ride.

Ayoko rin na magtatravel ng madaling araw. Ugh. Mas lalong nakakahilo. Ewan ko kung bakit. Pwede namang matulog and all, pero iba kasi e. Mas matindi 'yung pagkamuhi (wow) ko sa amoy ng aircon ng van.

Kaya umalis ako ng Sunday ng hapon. E ang tamad ko, so 5:30 na ko nakaalis ng bahay.

Pagdating ko sa Trece kung saan may sakayan papuntang Calamba, 6:30 na. Akala ko may van na. Pero, wala na pala. Sad face pa si Ate na sumagot sa 'kin. Sabi, sa Pala-Pala na raw.

Punta naman ako sa Dasma.

Hinanap ko 'yung sakayan papuntang Calamba. Nahanap ko naman. Kaso nung sasakay na 'ko, biglang sinabi ng kundoktor, "Ay, puno na pala! Doon ka na lang sa kabila."

What. The.

ARGHHHHHHHHHH.

(But, I have no regrets. Kasalanan ko naman. At may nakita akong cute na baby sa jeep so all is fair.)

Drive-ThruWhere stories live. Discover now