Praise Thy Deadlines

105 11 4
                                    


Oo na. Ako na busy sa school.

Tipong maiiyak ka na lang kasi mas pinili mong mag-browse sa Twitter att Facebook kesa gawin 'yung mga dapat dawin? Ang galing mo, e! Akala mo, magagawa mo within one night 'yung pinapagawa (although in my defense, nagawa ko na siya. Booyah!).

But then again, anong mawawala sa 'yo? Tulog? Kung ginagawa mo na siya ngayon? E 'di sana, nagpapakasaya ka na ngayon. E 'di sana, nakahilata ka na lang at sasabihin, "Huh. Ang saya pala tingnan ng mga alipin na ang-aaligaga sa mga ginagawa nila." O ha!

E 'di sana, may time ka pa para to make landi. Finally, may time ka na rin para sa kaniya. Finally, may time ka na rin para maghanap ng lalandiin. Pero ano? Nganga ka pa rin. Sige, scroll pa sa Twitter. Mag-tweet ka na rin ng, "Grabe, ang dami 'kong gagawin!" Matatapos ba ng pagtu-tweet mo 'yun mga pinapagawa sa 'yo?

Ayan pa. Reklamo ka ng reklamo. Hello? Hindi lang naman ikaw ang bugbog ng deadlines? Hello bitch, siya rin nalulunod na sa dami ng gagawin. Pero ikaw, with matching walling ka pa na, "Oh my God! I don't know how to manage my time!" E kesa naman nililinis mo 'yung dingding, nagplano ka na lang ng gagawin mo, gaga!

Pero, praise thy deadlines. Sila lang ang magpapainspire sa inyo kahit anong mangyari. Kahit pa 'yang porno, nako hindi ka magiging inspired d'yan. 'Wag ka na umasa sa kalandian mo; sasaying mo lang 'yang oras mo. Pero 'yung thrill na malapit na 'yung deadline at lumalabas lahat ng creative juices mo... oh yes. Sige pa.

Sige na, bye na. I have to tweet pa, "Ang ganda ng nasulat ko ngayon!"

Drive-ThruWhere stories live. Discover now