Seriously, hindi nakaka-gwapo ang pagsusulat. Tried and tested.
Hindi ko alam sa mga babae ha, kasi I find it sexy when they face the laptop and type the words out of their brain. Nagagandahan ako sa kanila kapag nakikita ko silang nadadala ng sinusulat nila: kapag nakakatawa, sasabay na tatawa; kapag nakakaiyak, unti-unting tutulo ang luha at hahagulhol; kapag nagagalit, baka masira na ang keyboard!
Pero kung ang basis mo ng lalaking nagsusulat ay ako, hindi talaga 'to nakaka-gwapo.
Kapag nagsusulat ako, malakas na talaga ako mag-press ng keys. Di ko rin alam kung bakit. Para damag-dama? Mas feel ko kasi magtype ng gano'n. Tsaka nasanay na rin.
Hindi naman ako tumatawa or umiiyak habang nagsusulat. On rare cases lang, kapag feel na feel ko 'yung nangyayari kay character. 'Yung feeling na 'yon ang pinaka-relieving. Kaso, rare nga lang. Hindi naman ako madalas na nagsusulat. (WOW.)
Pero ito ang mga madalas kong reaction kapag nagsusulat.
1. OH MY GOD / OH MY GOODNESS / OH MY GAAAAAAAAWD - Real. With hand movement plus walling plus wailing.
2. *insert curse words here*
3. PUTANG INA--ay wait, do'n na pala 'yon sa itaas.
4. NOOOOOOOOO.
5. THIS IS SO FRUSTRATING.
6. Yoko na, bes.
7. AYOKO NA TALAGA, BES.
Mga ganyan. Hindi talaga bes 'yung sinasabi ko. Minsan character. Minsan totoong tao. LOL.
Pero promise, hindi nakakagwapo ang pagsusulat. Kung gusto mo ng nakaka-gwapong gawain, mag-Engineer ka.
YOU ARE READING
Drive-Thru
RandomTuwing wala akong masulat, madalas nagsusulat lang ako ng kung ano. Kadalasan walang kwenta. Madalas, hindi ko natatapos. Mabilis lang. | Title inspired from Fast Food Fiction.