Vicencio road
Di ko na natatandaan yung date kasi almost two years na ang nakakaraan nung nangyari to. Sa school nung umaga magkakasama pa kaming magkakabarkada nun. Masaya kami at puro kalokohan. Nung mga bandang 5:00 na ng hapon, nagpaalam na yung isa naming classmate na pangalan is Angelo. Nakamotor sya at may pupuntahan lang daw sya sa Vicencio Road (Yung Vicencio Road is yung pagkahaba habang daan at pinaka nakakatakot na daan sa San Isidro, Nueva Ecija). Kaya pinaalahanan agad namin siyao na mag ingat kasi sobrang delikado at sobrang nakakatakot sa lugar na yun. Hindi lang dahil sa madilim dun, at wala din ganong nakatira dun.
So ayun na nga. Kinabukasan, papasok na kami sa school ng mga classmates ko. Bago kasi kami pumasok ng room nag iintayan kami sa harap ng gate ng school. Hinihintay naming makumpleto kami before kami pumasok sa room. Nagtaka na kami kasi magte-10:00 na wala pa din si Angelo. Yung phone nya di namin macontact. Hanggang sa 1week na syang walang paramdam samin. Sa school pati teacher namin nag aalala na. Kaya nagdesisyon kami na puntahan si Angelo sa bahay nila. Malapit lang naman ito, walking distance lang magmula sa school.
Pagdating namin sa bahay nila, sobrang nashock kami sa itsura nya. Nakaupo lang sya, tulala at halos di na kumukurap yung mata nya, at yung mata nya parang nawala sa porma. Parang naging banlag sya. Sabi ng mama nya, di daw namin makakausap ng matino si Angelo so wait na lang namin makarecover. So ayun, pinaalam namin sa teacher namin ang nangyari. Di talaga namin alam kung anong nangyare sa kanya. Hindi naman sya naaksidente dahil wala syang kagalos galos sa katawan. Almost 1 month nawala si Angelo sa school.
Pero pagtapos non, pumasok na sya. Pero ang laki ng pinagbago nya, naging tahimik at naging banlag yung mata nya. Tanong kami ng tanong sa kanya kung ano talaga ang nangyare, pero di sya nagsasalita. After 1 week, nagkwento na sya. Eto ang super nakakakilabot na nangyare. Nung time na humiwalay daw sya non samin 5:00 magdidilim na nun. May kinuha sya sa barkada nya na pyesa daw ng motor. Tapos napahaba daw ang kwentuhan nila hanggang sa 10:00 ng gabi daw sya nakauwi. Dun sya sa Vicencio road nagdaan dahil dun lang naman ang dadaanan talaga. Pagkatungtong na pagkatungtong nya daw sa Vicencio road, bigla daw sya kinabahan at tumayo lahat ng balahibo nya sa batok at mga braso, bigla din syang gininaw.
Nung nasa gitna na daw sya ng daan, sobrang dilmn daw. Talagang headlight lang nya yung liwanag sa daan. Maya maya pa, kusang bumagal ung takbo ng motor nya. 60 daw yung takbo nya pero nag run ng 40. Parang may pumipigil daw sa motor nya. Ginawa nya sinagad daw nya yung silinyador hanggang sa mag 80 ito pero mabagal daw talaga. Bigla daw lumamig ng sobra at sobrang takot na takot na daw sya. Parang may sumakay daw sa likod ng motor nya. Tapos pagtingin daw nya dun sa side mirror, (Sa right side) merong kamay sa balikat nya at dahan dahan daw lumitaw yung mukha ng babae sa likod nya. At di lang yun, ang itsura daw ng babae is super duguan at luwang luwa yung mata na nakanganga. Hindi daw multo ang nasa likod nya dahil ramdam na ramdam nya tao daw yun. Kaya hindi namin malaman kung ano ba yung misteryosong babae na yun. Dahil sa pagkakaalam namin ang multo is nakaputi, mahaba buhok at sa mga kwento about sa multo ay hindi nagpapakita ng mukha.
Sobrang nashock daw sya at naisagad nya yung silinyador so sobrang bilis ng takbo nya. At umabot na sya sa labas ng Vicencio road. Huminto daw sya dun at bumaba sya agad agad sa motor nya. Hindi nya daw inistand yung motor kaya nabuwal ito, sya naman napaupo sa kalsada. Nilapitan daw sya ng tricycle driver ng vicencio, at tinulungan sya. Hinatid sya sa bahay nila. Parang alam na ng mga tricycle driver ang nangyari. Kaya ayun, 1 month daw syang nakatulala at di makausap dahil di pa daw sya naka encounter ng ganon ever since. First time nya magkaganon. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa aming barkada kung anong meron at sino yung babaeng umangkas kay Angelo that time. Kaya simula non, di na kami dumadaan sa lugar na yon.

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY™
Korkusearch it on Facebook. com\Spookify/ CREDITS SA SPOOKIFY 👌🔥 Highest Rank #57 in Horror. Highest Rank #1 in Spookify.