Thaw- II

620 16 1
                                    

   "YOU CAN stay at my condo for as long as you want since I'm not really staying there." JC offered. She can just nod at her friend. "Tara na, nang makalipat ka na kaagad. Maghahakot la pa ng gamit."

   "Damit ko lang naman ang bibitbitin ko." Walang gana niyang sagot rito at nangalumbaba sa lamesa.

   "You're too stressed. Why don't you chill for a while. Mag-unwind ka. Fix yourself and clear your mind. At kapag handa ka na, at saka mo harapin ang lahat. Para mahanap na rin natin ang sarili mo." Kibit-balikat nito.

   "Minsan, iniisip ko kung ikaw ba talaga ang pinakabata sa atin. Masyado ka nang maraming alam kung makapagsalita ka." Aniyang mataman na nakatingin sa kaharap.

   "Grabe ka naman." Anito sa kaniyang nakanguso. Natawa na lang siya rito at tumayo na nga.

   "Let's go, darling. Samahan mo ako sa bahay," she stretched her hand out for her to hold. Inabot naman ito ng huli at magkahawak-kamay kamay na tumayo.

   "Magpaalam tayo kay Raz at Lorenzo." Anito at hinila siya patungo sa kabilang sulok kung saan naroroon ang kanilang book corner. Nadatnan niya ang dalawa na busy sa pakikipaglaro sa kanilang anak na lalaki.

   "Raz, alis muna kami. Maglilipat pa ako ng gamit sa condo ni JC eh." Aniya habang nilalaro naman ang daliri ng bunsong anak. Sa mga nakalipas na taon ay nananatiling matatag at masaya ang pagsasama ng mga ito. Maging si Lei at Dean ay nakatakda na ring ikasal. Nahaplos niya ang kaniyang singsing sa daliri.

   Well you are too. But at your situation right now, I doubt it if there's going to be a wedding anytime soon, anang kaniyang utak.

   She heaved a sigh. Ipinilig niya ang kaniyang ulo upang iwaglit ang laman ng isipan.

   "Salamat naman at pumayag kang doon muna tumuloy." Ngumiti ito ngunit bakas pa rin ang pag-aalala sa mga mata nito.

   "Oh well, kahit gusto kong magpakalayu-layo muna ay hindi ko magawa. I have my wedding coming, plus the fact that I have nowhere else to go." Aniyang pinipigil ang paggaralgal ng tinig.

   "You know, you are always welcome at our home. Even at LJ's place, I'm sure. You know, you are more than a friend to me. To us. Pamilya tayo. And that means, nobody gets left out and nobody gets down." Anito nang may ngiti sa labi.

   "She's right. All you have to do is ask, and we'll gladly shelter you in a heartbeat." Ani JC na yumakap pa sa kaniya mula sa likod. Tinapik-tapik niya ang mga braso nitong nakayakap sa kaniya.

   "So, iwan muna namin kayo. My darling and I need to take care of some stuff," ani JC at kumindat sa kaniya.

   "Ang landi mo talaga, Arellano," komento ni Raz sa dalaga.

   "Hindi 'yan si Arellano kung hindi 'yan malandi. At saka, nasa dugo na yata niya ang kalandian," halakhak niya sa mga kaibigan.

   "Walang malandi sa sinabi ko. Kayo, ang mamalisyoso ng mga utak niyo," sikmat ni JC sa kanila. Napangisi siya sa kaibigan.

   "Kung ikaw ang magsasalita, kahit anong linis ng sinasabi mo, may malisya pa rin pagdating sa'yo," ingos ni Raz sa kanila.

   "Oh well, whatever. We better go, bago niyo pa ako tuluyang gisahin," ngisi nito. Muli silang nagkapaalaman bago siya nagpatangay sa kaibigan. Hinila siya nito sa kaniyang sasakyan at pinagbuksan ng shotgun seat. Pinanood niya itong umikot sa driver's seat at lumulan sa sasakyan.

   "Bakit ba ang sweet mo?" Tanong niya sa kaibigan nang makaupo ito sa kaniyang tabi.

   "I am, darling. Only to the four of you," anitong kumindat pa. Manipis siyang natawa sa kaibigan.

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon