NAG-AAGAW ANG liwanag at dilim nang ihimpil ni Jocen ang sasakyan sa ilalim ng puno ng niyog. Hampas ng alon, pino at puting buhangin at sariwang hangin ang sumalubong sa kanila ni Glenn pag-ibis ng sasakyan.
Pinanood niya ang pag-aliwalas ng mukha ni Glenn habang iginagala nito ang tingin sa lugar. Kahit hindi pa lubusang maliwanag ang paligid ay tila naaaliw ito sa nakikita. Nakangiti itong nagbaling ng tingin sa kaniya.
"You already know my kind of place, huh?" Smug was written on her face.
"Hmm?" Nangingiti niyang sagot. Napataas ang kilay ng dalaga sa kaniya.
"And what's with that reaction, hmm?" Humalukipkip ito ngunit nagbabadya namang sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi. Naglakad siya palapit dito at inakbayan. Ngunit pumalibot ang mga braso ni Glenn sa kaniyang bewang.
"Thank you, hon," tiningala siya nito at inabot ang kaniyang labi. Pinalalim niya ang halik nito ngunit kaagad din namang pinutol ang halikan nila.
"You're welcome."
Tuluyan nang yumakap si Glenn kay Jocen. Kinintalan naman ng huli ng halik ang buhok nito. Nanatili silang magkayakap ng ilang sandali. Hanggang sa nilapitan sila ng may edad na lalaki.
"A, magandang umaga ho, ser," agaw nito ng atensyon. Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng tinig.
"'Tay Dindo, kayo pala?" Tuwang saad niya. Banayad niyang binitawan ang dalaga upang yumakap sa bagong-dating. "Kumusta po?"
"Ay, maayos naman po, ser. Kayo po kumusta? Ang tagal niyo ring hindi nagawi rito, a." May magiliw na ngiting bawi naman nito.
"Oo nga po, e. Maayos naman po ako," aniya at saka hinarap ang babae. "Siya nga po pala, si Gleanice Ysabelle po, prinsesa ko."
Namula ang magkabilang pisngi ng dalaga sa sinabi ni Jocen. Nangingiti niyang inakbayan ang dalaga.
"Napakagandang dilag, hijo. Aba'y kung sa ikalawang pagkakataong iibig ka ay, wala na talaga akong masasabi sa mga dilag na iniibig mo," nakangiti nitong saad. "Ikinagagalak kitang makilala, hija."
NAGULAT SI Glenn sa narinig. Naramdaman niya ring nanigas ang lalaki sa tabi niya. Ngunit nagtataka man sa naging reaksyon ng lalaki ay tinaggap niya pa rin ang pakikipagkamay ng matanda sa kaniya.
"Ikinagagalak ko rin po ang makilala kayo," nag-aalangan ay nagbigay pa rin siya ng tipid na ngiti.
"Hala, pumasok muna kayo sa loob at nang makapagpahinga kayo. Siguradong napagod kayo sa biyahe. Aba'y, napakaaga pa, pero nandito na kayo," yakag ng matanda at nagpatiuna na sa paglalakad. "Mabuti na lamang at napalinisan ito ni ser Vasquez bago kayo magawi rito."
"I told Vasquez ahead that we'll be here, 'Tay. Kaya siguro napalinisan."
Bitbit ang mga gamit nila, nakasunod sila sa matanda. Nanatiling nakaakbay sa kaniya ang lalaki at nakapalibot naman sa bewang nito ang braso niya. Kapwa sila walang imik hanggang sa makapasok sila ng kabahayan.
Halatang luma na ang bahay ngunit napapanatiling maganda pa rin ang porma at ayos nito. Malinis ang bawat sulok ng bahay.
"O siya, maiwan ko muna kayo nang maipaghanda namin kayo ng makakain," paalam ng matanda at walang lingon-likod na umalis.
Kapwa sila tahimik nang makaalis ang matanda. She never felt such awkward silence around him ever since she met him.
"So, ah, let's watch sunrise together?" alanganing mungkahi ni Jocen sa kaniya. Payak siyang ngumiti sa lalaki at mabagal na tumango. Lumapit siya sa lalaki at wala sa sariling yumakap sa bewang nito.

BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...