Thaw- XXV

173 8 0
                                    

   KULANG ANG salitang nagulat upang ilarawan ang nararamdaman ni Glenn. Nakatitig lang naman siya sa napakalaking larawan niya na nakasabit sa dingding.

   A portrait of her dangling on the wall. With her eyes closed, lips curved up. Her hair simply scattered on the mat. The portait looks alive and is pleasing to her eyes.

   "Like what you see?" Tinig ni JC na pagdating pa lang nila ng boss niya ay siya nang sumalubong sa kanila. Hindi naman na siya nagtaka na nakita niya ang kaibigan sa mga ganoong klase ng pagtitipon. JC has the heart for art. 

   "Like? No. I love it," hindi maalis ang mga mata niya sa tanawing nasa harap niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya habang nakatitig sa larawan. The happiness she's feeling is overwhelming her heart.

   "Baka naman matunaw na 'yan, darling?" Nanunukso nitong saad sa kaniya. Napangiti siya sa sarili.

   "Hindi 'yan matutunaw. Kung siya siguro ang tumitig, baka pa," may ngiting saad niya. Naramdaman naman niya ang pag-akbay ni JC sa kaniya.

   "I can see happiness shining in your eyes, Gleanice." Ani JC sa mababang tinig.

   Hindi na nagulat si Glenn sa sinabi ni JC. Ramdam niya ang kasiyahang sinasabi ng kaibigan. Nilingon niya ang kaibigan at binigyan ito ng maluwang na ngiti.

   "Indeed, I am. Very happy," pagsang-ayon niya sa kaibigan. "I've never felt this way my whole life. Ngayon lang."

   "I can see that," tumatangong saad ng kaibigan. "Kahit noong kasama mo ang lintik na ex mo, hindi ka naging ganyan kasaya sa kaniya."

   Glenn wasn't surprised by what JC has said. Hindi naman talaga siya naging masaya na katulad ng nararamdaman niya ngayon. Ayaw man niyang mapag-usapan ang kaniyang nakaraan ay hindi naman niya iyon maiiwasan. Oh, well, she's getting by and moving on. Hindi pa man lubusan, pero alam ni Glen sa sariling umuusad na siya. Thanks to Kyler.

   "Huwag kang magmura!" Sita niya kay JC na may kasamang tampal sa braso nitong nakasampay sa balikat niya. "If Raz was here, patay ka na naman doon."

   "And thank goodness, she isn't. Ikaw lang naman ang nakakarinig, so okay lang." Balewalang sagot nito sa kaniya.

   "Ewan ko sa'yo, JC," may pagsukong saad niya sa kaibigan. "Dati naman hindi ka ganyan."

   "Dati." May diing sansala ng huli. "People change. And I'm entitled to that change., as well."

   She rolled her eyes to her friend. "It's not really the person that's changing. It's their environment that makes them act that way." Kontra naman niya sa kaibigan. "Alam ko, sa kaibituran ng puso mo, nandiyan pa rin ang kaibigang nakilala ko."

   "Maybe. Maybe not."

   "Yes you are." Madiing saad niya upang maiparating ang nakatagong kahulugan ng kanyang mga salita sa kaibigan.

   "Whatever." Kibit balikat nito. Maya-maya pa ay iba na ang itinanong nito. "Wala pa akong nakikitang maganda bukod sa mukha mong nasa canvas."

   "Grabe ka naman. May nakita ak-" Naputol ang kaniyang sasabihin nang alisin ni JC ang braso nitong nakasampay sa balikat niya.

   "What?" Taka niyang tanong.

   "Alis na ako. Parang may nakita yata ako kanina," anang kaibigan niya na nagpapalipat-lipat ang tingin sa kaniya at sa kaniyang likuran. Akma siyang lilingon nang pigilin siya ni JC. Dinampian nito ng halik ang pisngi niya at saka bumulong.

   "See you."

   Dali-dali umalis sa harapan ni Glenn ang huli. Nagtataka naman niyang sinundan ng tingin ang kaniyang kaibigan. Napabuntong hininga siya sa kawalan.

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon