"IT'S A surprise, honey. Ilang minuto na lang," maka-ilang ulit nang saad ni Jocen kay Glenn. Ngumuso naman ang huli sa sinabi nito.
"Kanina pa 'yang ilang minuto na 'yan. Nasaan na ba kasi tayo?" Pagmamaktol niya.
"Sa lugar na tahimik at tayo lang ang tao," anang lalaki na may kasamang kindat.
"Naku, Jocen, baka mamaya ibibiglang-liko mo lang pala ako. Lagot ka kay JC," nakuha pa niyang magbiro. Natawa nang huato ang lalaki sa sinabi niya.
"Wala sa isip ko ang biglang-liko na 'yan. Unlesa, gusto mo?" And it's his turn to be playful.
"Kuya, 'wag po. Bata pa po ako," pagsakay niya sa kalokohan ng lalaki.
"Oo nga ineng, may gatas ka pa sa labi."
Napuno ng tawanan abg loob ng sasakyan dahil sa kalokohan nila. Nagpatuloy ang kalokohan at tawanan nila hanggang sa ipasok ni Jocen ang sasakyan sa mabuhanging daan.
May mga puno ng mangga sa magkabilang gilid ng daan. May mga puno rin ng avocado at mangilan-ngilang puno ng niyog. Naigala niya ang paningin sa labas ng bintana. Ibinaba niya ang bintana at sumalubong sa kaniya ang sariwang samyo ng hangin.
"Kanino 'to?" Tanong niya sa lalaki. Sinagot lang siya ng kibit-balikat at ngiti ng huli. Hindi na siya muling nagtanong dito.
Hindi naman nagtagal ay ipinarada niya ang sasakyan sa gilid ng isang bahay. Nagtatakang napatingin si Glenn kay Jocen ngunit ngumiti lang ang huli.
"Come on," aya pa ng lalaki sa kaniya. She reached for her guitar and got out of the car. Inilibot niya ang tingin sa buong paligid.
Tila nga isolated ang lugar na pinuntahan nila. Malayo sa maingay at magulong kabihasnan. Sariwa ang simoy ng hangin at tahimik ang paligid.
Maya-maya pa ay bumungad ang isang babaeng may kaedaran na upang marahil ay silipin kung sino ang dumating. Nang mamukhaan niti ang lalaki ay sumailay ng malapad na ngiti sa labi nito.
"Skyler!" Tuwa nitong saad at sinugod ng yakap ang lalaki. "Naku, ikaw bata ka! Bakit ngayon ka lang nadalaw dito?"
Bukas ang tuwa sa mukha ng lalaki habang nakayakap sa matanda. Wala naman siyang ginawa kundi ang panoorin ang mga ito.
"Pasensya na po, Nana. Abala po ako para sa exhibit ko sa susunod na buwan," paliwanag naman ng lalaki kasabay ng pagbitaw nito sa yakapan. Bumaling ang lalaki sa kaniya at inilahad ang kamay sa kaniya.
Walang alinlangan niya itong tinanggap at nakangiting lumapit sa kanila.
"Aba't sino itong magandang kasama mo?" Namamanghang tanong ng ginang. Inilapit pa nito ang mukha na tila ba kinikilala siya.
"Nana, si Gleanice Ysabelle. Glenn, Nana Flor ko, ang dating mayordoma sa bahay at pangalawang ina ko na rin" pagpapakilala ng lalaki sa kaniya. Ngumiti siya sa ginang at inilahad ang palad.
"Magandang tanghali po, Nana. Ikinagagalak ko pong makilala kayo," magalang niyang saad sa matandang nakatulala sa kaniya.
"Nana," untag ng lalaki sa ginang.
"Ay! Pasensya na, hija. Ang gandang bata mo naman kasi," natatawang ani ng ginang. Ngunit sa halip na abutin ng huli ang palad niya ay binigyan siya nito ng mahigpit na yakap.
Nagulat siya sa ginawa ng ginang ngunit gumanti naman siya ng yakap. Nang bumitaw sa yakap ang matanda ay nakangiti itong napatitig sa kaniya. Naiilang naman siyang gumanti ng ngiti.
BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...