Thaw- XX

197 9 0
                                    

   NAALIMPUNGAT SI Glenn nangt bumati sa kaniyang pang-amoy ang masarap na hanging naglalaro sa loob ng silid. Pupungas-pungas siyang napaupo sa kama. Nakabukas ang pinto ng silid.

   Pumasok siya sa banyo at nag-ayos ng sarili. Ipinusod niya ang magulong buhok at saka lumabas ng banyo. Lumabas siya sa silid at hinanap ang kaniyang kasama.

   Nakita niya ang hinahanap sa kusina. Nakatalikod ang lalaki sa kaniya at hubad-baro habang nakaharap sa kalan. Hula niya ay nakasuot lamang ang lalaki ng apron.

   Walang ingay na sumandal siya sa hamba ng pinto. Pinanood niya ang pagkilos ng lalaki sa kusina. Ang bawat paghalo nito sa niluluto at bawat paglagay nito ng sangkap ay pamilyar sa kaniya. Nakita na niya ang mga kilos na iyon ngunit hindi niya alam kung kanino at kung saan.

   Nang siguro'y naramdaman nitong may nagmamasid sa kaniya ay saka siya napalingon sa gawi niya. Napangiti ito sa kaniya. Hininaan nito ang apoy ng niluluto at saka naglakad sa palapit sa kaniya.

   "Good morning," bati nito sa kaniya kasabay ng pagpulupot ng mga braso nito sa bewang niya. "My shirt looks good on you." Nakangiti siya nitong pinasadahan ng tingin.Niyakap naman niya ito sa batok at lakas loob na kinintalan ng magaang halik ang mga labi nito.

   Jocen's lips stretched into a wide smile. Binuhat siya nito sa bewang kaya naman naipulupot niya ang mga binti sa bewang ng huli. Natatawa na lang siya nang maglakad ito patungo sa kitchen counter at ipinatong siya roon.

   "Mukhang good nga ang morning mo," tudyo niya sa binata nang bitawan siya nito at haraping muli ang niluluto.

   "Well, yes. Kung ikaw ba naman ang magigisnan ko sa paggising ko, mas good pa sa good ang morning ko," pagsakay naman nito sa kaniya ngunit iba ang kislap ng mga mata nito.

   "Naks. Kikiligin na ba ako?"

   "Bakit? Hindi pa ba?"

   Natawa siya ng malakas sa isinagot nito. Walang ano-ano'y hinila niya ito sa braso at ipinulupot ang mga kamay sa batok nito. Walang babalang bumaba ang mukha niya rito at sinakop ang mga labi ng lalaki.

   Sa kabiglaanan ni Jocen ay hindi ito kaagad nakahuma sa kaniyang ginawa. Ngunit nang magsimula siyang gagarin ang labi ng lalaki ay hinapit siya nito sa bewang at pinagdikit ng husto ang mga katawan nila. Ipinuwesto nito ang sarili sa pagitan ng nakabukang mga hita niya.

   She let out a soft moan when he bit her lower lip and lick the sting away. She pulled his hair and did the same to him.

   Nang pakiramdam nila ay mauubisan sila ng hangin ay sabay nilang binitawan ang labi ng isa't isa. Nangingiti siyang napatitig sa mga mata ng lalaki. Hindi nito suot ang salamin sa mata kaya malaya niyang napapagmasdan ang mga mata nito.

   "Now that's really a good morning," nakangiting sabi ng lalaki. Napatitig lang siya sa mga mata nitong kumikislap sa tuwa at sa emosyong hindi niya malaman.

   "I really love your eyes," wala sa sariling sabi niya.

   "Yeah?"

   "Yeah," sagot niyang may kasamang tango. She was about to say something when her stomach growl. "I think, mamaya na ulit tayo maglandian. Nagrereklamo na ang tiyan ko."

   Nagkatawanan sila sa sinabi nito. Binuhat siya nitong muli at ibinaba. Ipinaghila siya nito ng upuan at ipinaghain.

   Ang mga simpleng kilos ng lalaki ay naghahatid ng kakaibang kiliti at haplos sa puso ni Glenn. Hindi rin nakakaligtas sa kaniya ang pag-aalala nito kapag may hindi maganda ang nararamdaaman niya o kung nananahimik siya.

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon