"BAKIT MO ba kasi ako dadalhin sahindi bahay niyo? It's not as if I'm your girlfriend or something?" Reklamo ni Glenn kay Jocen na panay ang pilit sa kaniyang dalhin siya sa bahay ng huli. Hila-hila na siya ng lalaki palabas ng unit ngunit panay ang bawi niya sa kaniyang kamay.
Pagkatapos ng naging pag-uusap nila ni JC ay iniwan na sila nito. At hindi na siya tinantanan ng lalaki mapilit lang na sumama siya rito.
Napatigil sa paglalakad si Jocen at saka siya nilingon. May nakakalokong ngiti sa mga labi nito.
"Hindi pa kita girlfriend," pagbibigay diin nito sa sinabi nang hindi nawawala ang ngiti sa labi. "But soon, you'll be."
"Wala sa plano ko ang maging girlfriend mo," paasik niyang saad sa lalaki. Ngunit nagtatahip na ang kaniyang dibdib sa pagkakahugpong ng kanilang mga kamay habang nakatitig siya sa lalaki.
"Sa ngayon wala pa. But sooner or later, you'll be begging for me to be yours," puno ng kumpiyansang saad nito. Iningusan lang naman niya ang lalaki.
"As if," asik pa rin niya.
"Come on, ipapakilala lang naman kita sa parents ko. And my siblings can't wait to meet you since they heard your voice over the phone."
"At kailan naman nila narinig ang boses ko?" Kunot noo niyang tanong.
"Kanina lang. Habang kausap kita," balewalang sagot ng lalaki sa kaniya. Napamaang siya rito.
"Kanina?!" Halos sigaw niya sa lalaki nang makabawi siya. "At paanong nangyaring narinig nila ang boses ko kanina?! Not unless. . ."
"Yup," saad nito sa nabitin niyang sasabihin. "My phone was on loud speaker when you called."
"Ano bang pumasok sa utak mo at ipinarinig mo sa kanila ang boses ko?!" She said half-shouted. She ran her free hand through her hair out of exasperation.
"Ano naman kung narinig nila ang boses mo? Hindi naman pangit, ah? In fact, ang ganda raw ng boses mo sabi ng mga kapatid ko," malumanay na saad ni Jocen sa kaniya.
"Hindi mo dapat ginagawa ang bagay na ganoon. Paano na lang kung hindi nangyaring pinapunta ka rito ni JC?" Her voice tone down a bit. But her irritation did not.
"As far as I know, walang masama sa ginawa ko. Ipinarinig ko lang sa mga kapatid ko ang boses ng babaeng nagugustuhan ko," nakangiti nitong saad. Ngunit lalo lang nakadagdag sa kaniyang iritasyon ang sagot nito.
"Wala akong sinabing masama ang ginawa mo!" Shit! Ano bang gagawin ko sa lalaking 'to! Naiinis niyang naisaad sa sarili. Hindi na niya pinansin ang iba pang sinabi nito. Ngunit kahit na anong inis pa ang maramdaman niya ay wala na siyang magagawa. Sa halip, pinakalma niya ang kaniyang sarili.
"Wala naman pala eh," tila nasisiyahang sambit pa ng lalaki. Ngali-ngali niya itong bigyan ng isang nakamamatay na irap.
"Okay, fine." Nakasimangot na suko niya sa lalaki. "Let go of my hand. Sasama ako ng maayos sa'yo."
Tiningnan siya ni Jocen nang may pagdududa. Ngunit sa huli ay binitawan naman nito ang kamay niya. Hinaplos niya ang kaniyang buhok upang ayusin. Bahagya niya ring hinila ang laylayan ng kaniyang damit.
"Tara na," aya niya sa lalaking nakamasid sa bawat kilos niya. Nang hindi ito kumilos ay nilampasan niya ang lalaki. Lumabas siya nang hindi nililingon ang lalaki. Siya na rin ang nagbukas ng pinto ng kotse nito nang marating niya ang kinahihimpilan ng sasakyan.
Napapailing naman ang lalaking humabol sa kaniya. Akma niyang isasara ang pinto ng sasakyan ng pigilin siya nito.
"Galit ka ba?"

BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...