Thaw- XXXIX

167 7 0
                                    

I  DO cherish you
For the rest of my life
You don't have to think twice
I will love you still
From the depths of my soul
It's beyond my control
I've waited so long
To say this to you
If you're asking do I love you this much
I do...

   Ang huling salita ng kanta ang naging hudyat ng pagtatapos ng seremonyas ng kasal. Pumailanlang ang masigabong palakpakan at masayang tuksuhan sa loob ng simbahan. Sinalubong nila ng yakap ang kanilang kaibigan.

   "Finally!"

   "Congratulations!"

   "Sa wakas!"

   Nagkakatawanan na lang sila sa mga naging pagbati nila sa bagong-kasal. Ngunit higit sa lahat, si Daze ang walang pagsidlan ang kaligayahan.

   "Picture!" Sigaw ni JC kasabay ng pagtaas ng hawak na camera.

   "Bilib na talaga ako sa'yo, JC!"

   "Aba, siyempre. Matindi ang pangangailangan eh," biro ng huli na umani ng halakhakan.

   Nagsimula nang pumuwesto ang mga kukuhanan nito ng litrato sa harap ng altar. At matapos nga ang halos dalawang oras na picture taking, na silang magkakaibigan ang nagpatagal, ay saka sila naglabasan ng simbahan.

   "Oh, kita-kits sa reception ha?" anang bagong kasal. Nagsitanguan lang naman ang mga ito sa kaniya.

   "Let's go?" Ani JC. Tinanguan lang naman niya ang kaibigan. Iginiya siya nito patungo sa sasakyan. Nagawa pa nitong ipagbukas siya ng pintuan kahit na may hawak na camera maging ang laylayan ng damit nito. Natawa siya ng bahagya sa kaibigan.

   "And what are you laughing at, my darling?" JC asked as she fix herself in front of the stirring wheel.

   "I'm laughing at you, darling," aniya at tuluyang itinodo ang pagtawa. "'Can't blame me. Ang cute mo kasi."

   "At ano naman ang tingin mo sa'kin? Tuta?" JC asked amused. She get the car going.

   "That's not what I mean, silly," aniya sa gitna ng pagtawa. "Itsura mo kasi. Hawak mo camera mo, hawak mo rin ang laylayan ng damit mo. Nagawa mo pa akong ipagbukas ng pintuan."

   "Oh well, ganoon talaga," natatawang nagkibit balikat ang kaibigan niya. "Multi-tasking at its finest."

   Natawa na lang siya sa kaibigan. Nang masyadong maging tahimik ang kanilang biyahe ay pinagdiskitahan niya ang radio ng sasakyan. Isang sentimental na kanta ang bumungad sa kanila.

   "Ano ba 'yan?" Natatawang komento ni Glenn.

Sana'y hindi ipagkait sa'kin ang sandali
Na masilayan ka at marinig man lang ang tinig

   "My cup of tea," nangingiting saad naman ni JC.

   "Yeah right," Glenn rolled her eyes. JC just chuckled at her. Nang hindi masiyahan ang babae ay pinatay na lamang niya ang radio. Itinuon na lang niya ang pansin sa labas ng bintana. Hindi nagtagal ay narating nila ang venue ng reception ng kasal.

   "Okay, here we are." Ani JC at inihimpil ang sasakyan. "Let's get this done."

   Magkaagapay silang naglakad papasok ng malawak na bakuran nina Dean. Naayusang tila isang hardin sa gitna ng kagubatan ang malawak na bakuran. Nagkalat ang iba't ibang klase ng bulaklak, courtesy of LJ's flower shop.

   "Ang ganda," humahangang saad ng dalawa. Nagkatawanan pa sila nang mapagtantong iisa ang kanilang sinabi.

   "Girls, here!" Sigaw ni LJ na may kasamang kaway. Kaagad naman silang lumapit sa huli at umupo sa mga bakanteng silya na laan para sa kanila.

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon