Thaw- XLI

147 8 0
                                    

   PUMASOK SILA sa napakalawak na bakuran. Mababa ang gate, mabato at madamo ang daan papasok. Ngunit naging sementong patag ito nang lumaon. Malaya nilang napagmasdan ang loob ng bakuran mula sa loob ng sasakyan.

   Ang bahay ay nasa pinakasentro ng lupain. Dalawang palapag ang bahay, hindi masyadong mataas at hindi rin masyadong mababa. May isa pang silid sa likod ng bahay na sa hula niya ay bodega. Sa kanang bahagi naman ay garahe. Namamagitan ang ilang puno at halaman sa bodega at garahe. At lahat na ng matanaw nila ay pawang mga puno na.

   "Parang isang kaharian sa gitna ng gubat," komento ni JC. Namamangha pa rin nilang iginagala ang mga mata sa paligid.

   "I couldn't agree with you more," sang-ayon niya sa kaibigan.

   "Judging from the look on your faces you seem to like our environment," agaw ni Glenmoore sa pansin nila. Magkasabay silang napatango rito. "Welcome to our humble abode."

   "Humble, huh?"

   "Nandito ka na. Nasaan siya?" Base sa tinig, isang may katandaang lalaki ang bumungad sa kanila. Hindi niya ito makita dahil ang mataas na bulto ni JC ay nakaharang sa harap niya.

   Lumapit si Glenmoore sa bagong-dating. Hindi niya makita kung ano ang ginagawa nito. Parang may ibinulong o ano sa lalaki. Mabilis ang naging takbo ng sumunod na pangyayari. Hindi niya na nasundan kung kailan nawala ang likod ni JC sa paningin niya. Nakatitig siya sa mga mata ng lalaking kamukhang-kamukha ni Glenmoore.

   Mabagal ang naging kilos ng bagong-dating palapit sa kaniya. Nangingilid na ang luha sa mga mata nito.

   "Ysabelle," bulong nito sa garalgal na tinig. Pumatak ang mga luha sa mga mata nito. Something warm tugged her heart.

   Glenn can see the longing in the man's eyes. And ridiculous as it may sound but, it's as if she's seeing herself through the eyes of that man. Glenn felt like she wanted to throw her arms around the man standing in front of her to ease the longing inside her. But she restrained herself. Not untill she found out what's the truth behind her identity.

   "Mas makakabuti siguro kung pumasok muna tayong lahat sa loob, Ama," basag ni Glenmoore kanila. "Pagpahingahin muna natin ang ating mga panauhin, Ama."

   "Hindi na kailangan. Ang makausap sila ang ipinunta ko rito. Kaya kung maaari sana, bigyan na natin ng linaw ang lahat," tutol naman ni Glenn.

   "Kung iyan ang nais mo," ani Glenmoore at iminuwestra na ang pinto sa kanila.

   "Kapatid mo nga ang isang 'yan, matatas managalog eh," bulong sa kaniya ni JC habang nakasunod sa mga ito. Mahina siyang natawa sa sinabi ng kaibigan. At kahit papaano ay nabawasan ang kabang nararamdaman niya.

   Hinawakan ni JC ang kamay ni Glenn bago sila tuluyang makapasok ng kabahayan. Nang lumingon siya rito ay isang ngiti ang iginawad nito sa kaniya. Ngumiti siya pabalik sa kaibigan. Ipinagpapasalamat talaga niya na sumama ito sa kaniya. Na nakumbinsi siya nitong harapin na ang kaniyang kapatid.

   Naigala nila ang mga mata sa loob ng kabahayan. Classical ang bahay. Halatang matagal na ang pagkakagawa ngunit hindi rin masasabing marupok na ito.

   "Ang ganda," namamanghang komento ni JC. At tahimik naman siyang sumasang-ayon sa kaibigan.

   "Maupo kayo," anang ginoo sa kanila. Kaagad naman siyang tumalima sa sinabi ng huli. Ngunit ang kaibigan niya ay nanatiling nakatayo sa likod ng kaniyang upuan.

   Nakuha ni Glenmoore ang atensyon nila nang lumabas itong may tulak-tulak na wheelchair. At para siyang namatanda nang makita ang babaeng nakaupo rito. Wala sa loob na napatayo siya at natutop ang kaniyang bibig.

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon