Thaw- XL

173 9 1
                                    

   "KALABISAN BA kung hihilingin ko sa'yo na sumama ka sa'kin?"

   Nag-alinlangan siya sa sinabi ng lalaki.

   "Hindi kita ipapahamak, Gleanice. Trust me." Anito nang mabasa ang pag-aalinlangan niya.

   "Okay. But not without JC," aniya.

     Nagpaalam sila sa mga kaibigan nila. Pawang paalala ng pag-iingat naman ang sinabi ng mga ito sa kanila.
  
   "Natulala ka na naman," untag ni JC sa kaniya. Nilingon naman niya ito at binigyan ng tipid na ngiti. Lulan sila ng sasakyan ni Glenmoore na siyang maghahatid sa kanila sa bahay ng lalaki. Magkatabi sila ni JC sa backseat ng kotse.

   "Iniisip ko lang kung ano kaya ang mangyayari sa akin kung wala ka," madamdaming saad niya.

   "Naku naman, nagdrama ang ate," ani JC at saka siya nito hinila. Binalot siya nito sa loob ng mainit niyong mga braso. "Hindi naman kita pababayaan. Kahit sino sa inyo, hindi ko pababayaan. Kayo na ang pamilya ko. You guys are my treasures."

   Napangiti naman siya sa sinabi nito. Inihilig niya ang ulo sa balikat nito. Umakbay naman sa kaniya ang huli at binigyan ng halik sa kaniyang ulo.

   Hindi sinadyang sumagi sa isip niya si Jocen dahil sa ginawa nito. Kaagad namang sumilay ang mapait na ngiti sa labi niya. Nagpakawala siya ng hangin upang paluwagin ang nararamdaman niya.

   "Huwag mo siyang masyadong isipin. Mahal ka n'on."

   "Mahal?" Natatawa niyang saad. "Kung mahal niya ako, hindi siya maglilihim sa'kin."

   "Natakot lang 'yon. Hindi niya naman intensyon ang saktan ka," anito sa malumanay na tinig.

   "Natakot? At saan siya ngayon dinala ng takot niya?" Nakairap niyang sabi.

   "Funny, those were exactly my words," natatawang saad ng kaibigan niya.

   "He has all the time in the world to tell me, yet he didn't. 'Yon ba ang mahal?"

   "Kung sinabi niya ba kaagad sa'yo, matatanggap mo ba?" May himig panghahamon sa tinig ni JC.

   "Oo nga at hindi ko kaagad matatanggap. Hell, sino ba ang may gustong magmahal ng taong may sabit na? Wala naman, 'di ba?" Depensa naman kaagad niya. "Pero, at least, I would understand. But what? He chose to lie."

   "Magkaiba ang 'hindi nagsabi ng status' sa 'nagsinungaling'," anito."Hindi nagsabi ng totoo, nagsinungaling 'yon. Sa case ni Simon, hindi lang siya nagsabi sa'yo na may asawa na siya. Kung totoo man 'yon."

   Binulong lang nito ang huling pangungusap ngunit nakarating pa rin sa pandinig niya. Nagtataka man ay ipinagsawalang bahala na lang niya iyon.
   "At saka, kung sakali, paano naman niya sasabihin sa'yo na may asawa na nga siya? Hi, ako si Jocen Skyler Simon, may asawa na nga pala ako, ganoon? Major turn off 'yon kapag nagkataon."

   "Bahala na siya roon kung paano niya sasabihin. My point is, dapat sinabi niya. The sooner, the better. Hindi 'yong may nangyayari na at lahat sa amin wala pa ri-" she stopped blabbing when she realized what sge just said. A red hue tainted her cheeks. She received a soft chuckle from JC.

   "Sige na, ituloy mo 'yong sinasabi mo," may panunudyong saad nito. Humiwalay siya sa kaibigan. Inirapan niya ito upang pagtakpan ang hiyang gumagapang sa sistema niya. Dumistansya siya sa kaibigan. Ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana.

   "Halika nga rito," ani JC na natatawa pa rin. Hindi niya ito pinansin. "Darling, come here," she said with her sweetest voice she could muster. Nang hindi pa rin siya tumalima ay ito na ang lupamit sa kaniya.

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon